ANYWAY, ilang dekada na si Regine sa industriya at nananatili pa rin siyang nasa tuktok kahit ilang beses siyang nag-lie low o totally nawalan ng programa sa telebisyon at pelikula, pero kapag may show o concert siya, apaw pa rin ang tao, patunay lang na hindi siya kailanman nalaos na katulad ng ibang singers na kapag matagal na nawala ay nahihirapang makabalik.
Kaya naman tinanong siya kung anong payo ang maibabahagi niya sa mga batang singers ngayon o artista.
“I probably tell them to be kind. Be kind to everyone that you worked with. I think, one of the reasons why I’m still here, sina Gary, sina Martin, asawa ko (Ogie).
“The staff and crew, they’re actually made our job easier kasi sila ‘yung nagpapakahirap. Tulad halimbawa ng ‘ASAP’, gagawin namin ‘yun ng Linggo lang, pero ‘yung staff mo, buong linggo nilang tinatrabaho ‘yun or probably not even one week, probably more and so para lang maibigay mo ‘yung recognition kasi hindi naman natin sila mababanggit o pasalamatan sa TV, siguro you should at least treat them well,” magandang sabi ni Songbird.
Totoo naman, saksi rin kami kung gaano kahirap ang mga taong nasa likod ng camera at ilang araw at oras ang ginugugol nila para mapaganda ang show, hindi na nga halos nila nakikita ang pamilya nila kaya kaunting appreciation mula sa mga artista at big bosses ay malaking bagay na sa kanila.
Kaya magsilbing aral sana ito sa lahat ng taga-showbiz/music industry.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan