GUSTONG subukan ng Fil-Am/Ukranian/Spanish Hollywood star na si Ryan Kolton ang mundo ng local showbiz at ang Kapamilya actress na si Liza Soberano ang gusto niyang makapareha at makatrabaho.
Para kay Kolton, perfect girl si Liza na bukod sa maganda ay mahusay pa umarte kaya naman nang mapanood niya ang aktres ay nagustuhan kaagad at pinangarap na makatrabaho.
At kahit nga may career sa Amerika ay iniwan ito pansamantala ni Kolton para subukan naman ang kanyang luck sa Pilipinas, na masuwerte namang nabibigyan ng magagandang proyekto.
Sa ngayon ay nag-aaral si Kolton ng Tagalog para magkaroon ng teleserye either sa GMA 7 or ABS CBN at mapasama sa isang local movie.
Ilan nga sa proyektong ginawa ni Kolton ang Jay Rocco, Past Presence, at Compound 147. Nakalabas na rin si Ryan sa CSI, Law and Order, at iba pang shows sa Amerika.
(JOHN FONTANILLA)
Andi, ‘di iiwan ang pag-arte kahit tumira sa isla
Kendoll, naiyak nang tanghaling Best New Male TV Personality
WEMSAP, kinabog ang ibang beauty pageant
Kenken Nuyad, malaki ang pasasalamat kay Coco
Papa Obet ng Barangay LS 97.1, haharanahin ang mga Pinay