Friday , July 26 2024
Liza Soberano Dayanara Martinez Miss World Puerto Rico
Liza Soberano Dayanara Martinez Miss World Puerto Rico

Miss Puerto Rico, tila long lost sister ni Liza

MATAGAL nang inaawitan ng mga pageant organizer si Liza Soberano para lumahok sa mga timpalak.

May halong Filipino at dugong banyaga, tiyak na may tulog ang ilang kandidatang makakalaban ni Liza if ever. Bukod pa rito ang husay ng aktres sa communication skills.

As of now, tila wala sa list of her immediate priorities ang pagsali sa mga beauty contest.

But don’t look now, baka kasi magulat ang Pinoy audience once na tumambad ang mga candidate sa Ms. World na gaganapin sa Sanya, China sa December 8 this year.

Isang biglaang tingin kasi kay Miss Puerto Rico na si Dayana Martinez ay mapagkakamalan mong long-lost sister ni Liza.

Bagama’t may pagkamorena ang Puerto Rican beauty, Laysang-Liza ang hitsura niya sa maraming anggulo sa litrato.

Ayon sa napanood naming website, isa si Dayana sa Top 15 contenders. Bagama’t forecast lang naman ‘yon, sad to say, wala roon ang ating pambato na si Katarina Rodri­guez.

Pero malay naman natin, baka sa mismong pageant night ay mangabog si Katarina?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *