Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Wilbert Tolentino Mader Sitang
Vice Ganda Wilbert Tolentino Mader Sitang

Mother Sitang at Vice Ganda, gagawa ng pelikula

NABULABOG ang Filipino gay community dahil sa pagpunta sa Pilipinas ng sikat na social media sensation, ang transgender woman mula sa Thailand na si Sitang Buathong o mas kilala bilang Mader Sitang.

Isang model/endorser/lawyer/internet sensation ang 56 year-old na si Mader Sitang na nagmamay-ari ng isang online store sa Thailand at isa sa most sought-after product endorsers sa kanyang bansa.

Milyong views, papuri, at paghanga mula sa mga netizen sa buong mundo na ang inaani ng kanyang viral videos na sumasayaw siya at naghe-head-bang.

Itinanong namin sa kanya kung ano ang masasabi niya na ang Miss Universe 2018 ay gaganapin sa Bangkok sa bansang kanyang pinagmulan sa December 17.

Ayon sa Youtube sensation (sa pamamagitan ng isang interpreter dahil hindi gaanong nakakapag-English ang Thai national), masaya siya na ang Thailand ang host country ng beauty pageant, kasabay ng pagsasabing nagagandahan siya sa mga Filipina, at magaganda ang mga mata ng mga Pinay.

Pero malungkot din siya dahil malamang ay nasa Europe siya sa Disyembre para sa isang tour kaya hindi niya mapapanood ng personal ang Miss Universe.

Paborito rin niya ang mga Miss Universe winner mula sa Pilipinas, bukod pa sa mga winner mula sa Thailand.

Tinanong naman namin sa kanya, dahil siya mismo ay isang transgender woman, kung ano ang komento niya na isang transgender woman, si Angela Ponce ng bansang Spain ang isa sa mga opisyal na kandidata sa Miss Universe this year.

Sa pamamagitan pa rin ng kanyang interpreter, sinabi ni Mader Sitang na hindi dapat tingnan ang panlabas o pisikal na anyo ng isang tao, mas mahalaga ang panloob na katangian.

Na anuman ang hitsura, ang mahalaga ay ang kabutihan ng puso ng isang tao.

Nagkaroon ng pagtatanghal at meet-and-greet si Mader Sitang noong October 20 & 21 sa Fahrenheit Café at sa @ One 690 Entertainment.

Ang pagpunta ni Mader Sitang sa Pilipinas ay sa pamamagitan ni Wilbert TolentinoMr. Gay World Philippines 2009 at founder and President ng WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.), at isa ring LGBTQ influencer.

Si Wilbert din ang tumatayong international manager ni Mader Sitang sa labas ng Thailand.

Magiging endorser na rin si Mader Sitang ng H&H Makeover Salon, at ayon kay Wilbert, ay maging si Vice Ganda. Pirmahan na lamang ng kontrata ang kulang para maging ambassador na rin ng H&H Makeover Salon si Vice Ganda.

At nais ni Wilbert na mag-produce ng pelikula na pagsasamahan nina Mader Sitang at Vice Ganda. Handa si Mader Sitang na mag-aral ng wikang Tagalog at English kung sakali.

May asawa na si Mader Sitang, 12 taon na silang mag-asawa ng kanyang 44 year old na mister na sa kasalukuyan ay may karamdaman sa puso kaya hindi nakasama sa pagbiyahe patungong Pilipinas.

Sa tanong naman kung sinong international male celebrity ang crush niya, ang sagot ni Mader Sitang ay ang Hollywood actor na si Brad Pitt.

Paborito naman niyang aktres ang Hollywood Superstar na si Julia Roberts.

Kasalukuyang may ginagawang isang horror movie sa Thailand si Mader Sitang na mayroon na ring perfume line na ini-launch dito sa Pilipinas.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …