Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez ABS-CBN
Regine Velasquez ABS-CBN

3 shows, pelikula, album, gagawin ni Regine sa ABS-CBN

SA pagbabalik ni Regine Velasquez sa ABS-CBN ay nabanggit niyang marami siyang gustong gawin sa sobrang excitement niya, pati news program ay papatulan niya.

Tatlong regular shows ang pinirmahang kontrata ni Regine sa Kapamilya Network noong Miyerkoles, Oktubre 17, at talagang naiiyak siya sa sobrang tuwa’t saya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng lahat.

Aniya, ”Ang totoo, sobrang saya ng puso ko sa mainit na pagtanggap sa pagbabalik ko rito, maraming salamat.”

Kabilang sa mga gagawin ni Regine ay ASAP at ang unang appearance niya ay iyong ASAP in Sydney sa Australia noong Linggo, Oktubre 21; sitcom kasama ang asawang si Ogie Alcasid, at isa sa hurado ng Idol Philippines na isang franchise ng FremantleMedia.

Nagparinig din ang Asia’s Songbird na gusto uli niyang mag-guest sa Maalaala Mo Kaya kasama si Piolo Pascual dahil sa nasabing programa siya nakatanggap ng unang acting award niya mula sa Star Awards for TV 2002.

“At dahil nandito naman na lahat, gusto kong gumawa ng pelikula sa Star Cinema, posible naman ‘yun? Gusto kong makasama ulit si Aga Muhlach, si Piolo Pascual, si Daniel (Padilla), kaso tiyahin na ako, si Sam (Milby) puwede pa, hindi halata (mas bata kay Regine), si Jericho (Rosales) din sana kaso halata na rin,” saad ni Songbird.

At hindi rin malayong gagawa siya ng album sa Star Music, ”nandito na, lubusin na.”

Si Regine ang kakanta ng themesong ng upcoming teleserye ni Angel Locsin na The General’s Daughter na ieere sa 2019.

Pero bago siya pumirma ay nakipag-meeting muna siya sa bigwigs ng ABS-CBN at ang asawang si Ogie ang nag-set pero hindi sa kanya galing ang ideang gusto niyang bumalik sa Kapamilya Network.

Ayon kay Songbird, ”hindi naman sa kanya (Ogie) nanggaling ang idea, nanggaling po sa talaga sa akin. Pero hindi ako sigurado kung interested pa sila (ABS-CBN management) kasi alam kong pasong-paso na sila sa akin, ha, ha, ha,” tumatawang kuwento ni Songbird. ”Ha, ha, ha, inamin talaga. Alam ko namang pasong-paso na sila and I cannot blame them and I was the one who asked for the meeting but it was my husband who arranged it. Kasi siyempre siya na ‘yung nandito, nakaka-trabaho na niya sina Tita Cory (Vidanes), si Direk (Laurenti Dyogi), si Deo (Endrinal), so siya ‘yung nag-arrange ng meeting.

“As a matter of fact ‘yung first meeting namin nina direk (Lauren) at Tita Cory, kabadong-kabadong talaga ako, kasi hinihintay ko na sabihin nila sa akin na, ‘hindi na kami interested sa ‘yo’ ha, ha, ha.’ Hinihintay ko talaga, but I’m so happy na sinabi nilang, ‘siyempre naman, interesado kami.’

“Natatandaan ko ‘yung sinabi ni Direk Lauren na, ‘puwede na ba akong mag-hope?,’ ha, ha, ha, ha, kasi parang dalang-dala na talaga sila sa akin. Kaya I am really overwhelmed. I am happy that I am here (Kapamilya Network).”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Gusto kong makatrabaho ang number one station — Songbird
Gusto kong makatrabaho ang number one station — Songbird
Sikreto ng pananatili sa tuktok ibinahagi ni Regine
Sikreto ng pananatili sa tuktok ibinahagi ni Regine
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …