Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andi Eigenmann Jake Ejercito Ellie
Andi Eigenmann Jake Ejercito Ellie

Andi to Jake — they are really good people

MAAYOS na ang relasyon nina Andi Eigenmann at tatay ng anak niyang si Ellie na si Jake Ejercito, ito ay base sa kuwento sa amin ng aktres nang makatsikahan namin ng solo sa ginanap na media launch ng All Souls Night na ginanap sa Sampaguita Gardens nitong Martes.

Una naming tinanong ang tungkol sa balitang amicable settlement nila ni Jake tungkol sa anak nilang si Ellie na sa ama na ng bata siya mananatili dahil laging wala naman sa Maynila si Andi.

”Not true at all.  Akala ko rati, balak nilang kunin ‘yung anak ko ganyan. I was young and vulnerable and really hurt and naïve. But then as an adult I know, they are really good people as well,” kaagad na sagot ng aktres.

Eh, ano ‘yung dinala ni Jake sa korte ang isyu, ”nagsimula lang po ‘yun sa mga hindi pagkakasundo noon, hindi na po ganoon ngayon.”

Sa pagpapatuloy pa ni Andi, ”I can say na okay naman po kami now, not like before. Nakahihiya, hindi nakaka-class, ha, ha, ha. Oo kasi bata pa ako noon, bata pa kami. ‘Yun nga, eh parang ang daming nagsabing I’m a bad person. Ako rin naman napalabas kong masama rin siyang tao, but then as I grow older, I realized those things that I should have kept to myself and we should have kept to our relationship now that I’m older. Those things didn’t really mean that we are bad people it just means that, we did things to hurt each other.”

Si Jake ang unang lalaking minahal ni Andi dahil simula bata ay may kakaiba na silang bonding hanggang sa nagdalaga’t binata na sila.

Totoo bang first love never dies?

“Ha, ha, ha, that’s not true! I disagree, ha, ha. First love does die because people change and people grow and I guess for other people it won’t die because they won’t let it go. But for me, it’s just natural it would die because I don’t know who I was, I don’t remember the person I was back then, so how will I remember the feelings that I had? I’m completely a different person now than I was,” natawang sagot ng aktres.

Pero may Ellie, ”I love my daughter and I love and grateful that he’s (Jake) the father of my child. But things happened I guess that were not meant to be together but were meant to parents to a wonderful young lady. Were both blessed that we get to share. Kaya ayaw kong ipagdamot siya (Ellie) kay Jake.”

Kamukha ni Jake si Ellie, ”sobra!” sabi kaagad ni Andi.

Ang bagong boyfriend ngayon ni Andi na si Philmar Alipayo ay professional surfer at taga-Siargao kaya sa nasabing bayan na rin nananatili ang aktres at luluwas lang ng Maynila kapag may trabaho.

At kaya sa Siargao na siya nakatira dahil tagaroon din si Philmar, ”opo but the reason why in Siargao is may business ako roon. It’s a Bed and Breakfast, nagsisimula palang ako, sana next summer boom na boom na and matagal ko ng naisip ‘yun and possible na gawin sa Siargao. Eh, ‘di roon na rin ako titira since roon din naman ako magnenegosyo. Roon din ‘yung boyfriend ko nakatira so mas perfect, isa na lang, isang lugar na lang.”

Sa pelikulang All Souls Night ay gagampanan ni Andi ang karakter na Shirley bilang kasambahay na tumanggap ng panandaliang trabaho sa isang pamilya.

Ang ama ng tahanan ay may karamdaman at ang asawa nitong si Ellen ay may tatlong mahigpit na bilin kay Shirley:  Una, dapat laging nakasara ang mga bintana at mga pintuan; Ikalawa, huwag lalabas habang nagtatrabaho sa kanila; at ang panghuli, huwag papasok sa kanilang kuwarto ng walang pahintulot.

Sina Aloy Adlawan at Jules Dan Katanyag ang direktor na produced naman ng Aliud Entertainment at Viva Films na mapapanood na sa Oktubre 31.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …