MAY hatid kayang suwerte ang Year of the Dog (present year) sa mga “pusa”?
Tunog-meow kasi ang mga palayaw ng mga kandidata ng ating bansa sa Miss Universe at Miss World. Ito’y sina Catriona Gray at Katarina Rodriguez, respectively.
Lalahok si Cat sa nasabing pageant this December na gaganapin sa Bangkok, Thailand; samantalang ang kinoronahang Miss World Philippines last October 7 ay sa China naman lalaban.
Minsan na naming naisulat sa aming kolum dito sa Hataw ang malakas na fighting chance ni Catriona, na sa hanay ng mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo’y isa sa mga early favorites.
Kung pagbabatayan naman ang hitsura’t talino ng 26 year-old na Davaoena na si Katarina ay tiyak na mayroon din siyang top spot na kalalagyan.
Magkaroon kaya tayo ng twin victory sa dalawang prestihiyosong international beauty pageant na ito? Well, we can only keep our fingers crossed.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III