Thursday , December 26 2024
Bong Go Mocha Uson Rodrigo Duterte Harry Roque Bato Dela Rosa
Bong Go Mocha Uson Rodrigo Duterte Harry Roque Bato Dela Rosa

Eksperimento ni Digong?

MAY nakikitang  ‘eksperimento’ ang ilang urot sa estilo ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong midterm elections.

Hindi tayo sigurado kung ito’y estratehiya o ‘spin’ o baka naman hindi sinasadya.

Ang tinutukoy natin, ang kandidatura nina Gen. Bato, Mocha Uson, Harry Roque at SAP Bong Go.

Sina Gen. Bato at SAP Bong Go ay hindi tinatalikuran ni Pangulong Digong at lantarang ini-endoso habang sina Mocha at Harry ay mantsado ngayon at hindi natin natin naririnig na iniendoso ng Palasyo.

Sa totoo lang, bago sila magbitiw sa kanilang puwesto ay nagkaroon pa ng mga isyung hindi naging paborable sa imahen ni ‘Tatay Digong.’

Ano ang nasisilip nating eksperimento rito?!

Eksperimento o subok, kung ang endorsement ba ni Pangulong Digong ay hahantong sa panalo ‘kiss of death’ sa kandidato.

Sa bahagi nina Mocha at Harry, medyo umatras sila sa ambisyong makatuntong sa Senado kaya Kamara ang tinatarget nila sa eleksiyon. Gaya ng mungkahi natin sa ating kolum, tumatakbo sila ngayon sa ilalim ng party-list na Kasosyo at Luntian.

Sabi nga natin, mayroon limang milyong followers sa kanyang social media account si Mocha.

Ang kailangan lang niyang gawin ay i-convert ‘yan sa boto at baka maka-tatlong seat pa sila sa Kongreso.

Pitong buwan pa mula ngayon, bago ang midterm elections sa Mayo 2019. Ibig sabihin, mayroon pang pitong buwan ang mga kandidato para mambola ‘este mangam­panya at tiyakin ang kanilang panalo.

Hindi kailangang mainip ng Palasyo, malamang sa Pebrero titining din ang kanilang eksperimento.

At ang resulta nito’y magagamit nila sa eleksiyon sa 2022.

Abangan natin kung ang endoso ng Pangulo ay ‘kiss of death’ or ‘winning grace.’

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap


Solid dilawan binigyan ni SOJ ng magandang  puwesto sa Immigration!?
Solid dilawan binigyan ni SOJ ng magandang puwesto sa Immigration!?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *