BINATIKOS ng ilang senador ang hindi makatarungang panukalang modernisasyon para sa mga pampublikong sasakyan katulad ng mga jeepney, na ipinanukala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kina Senadora Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, nanguna sa pagdinig, at Senador Ralph Recto, hindi kakayanin ng mga kasalukuyang operator at mga driver ang panukalang modernisasyon.
Sinabi nina Poe at Recto, sa kabila ng tulong pinansiyal na P80,000, ito ay hindi sapat sa pres-yong P1.8 milyon kada isang bagong electric jeepney na nais ng pamahalaan.
Pinuna rin ni Poe ang magiging epekto nito para sa mga pasahero sa sandaling tuluyang ipatupad ang modernisas-yon.
Hanggang sa Marso na lamang ang huling buwan nang pagpapaliban ng pagpapatupad ng modernisasyon.
Naniniwala sina Poe at Recto na hindi lamang ang commuters ang lubhang maaapektohan kundi marami rin papataying mga tsuper at operator dahil mawawalan sila ng kanilang kabuhayan para sa kanilang mga pamilya.
Iginiit ni Recto na hindi maaaring gawing pananggalang ng LTFRB ang usapin ng Clean Air Act dahil maaaring magsagawa ng emission testing sa bawat jeep upang malaman kung ito ay nakasusunod sa batas.
Dahil dito, naniniwala sina Poe at Recto na hindi biro ang panukalang ito ng pamahalaan kung wala silang sapat na pondo para matulungan o maalalayan ang operator o tsuper para makabili ng bagong unit ng sasakyan.
ni NIÑO ACLAN