LUMAGDA sa isang Memorandum of Understanding ang Manila Water kasama ang International Water Centre (IWC) ng Australia kabilang ang University of Queensland, Australia, Advance Water Management Centre na naglalayong pag-ibayohin ang kanilang serbisyo at pagtitiyak sa water security sa mga rehiyon sa bansa.
Nabatid na ipapamalas ng programang pinangalanang “Collaborative Sphere of Excellence in Water Security for the Asia Pacific Region” ang kakayahan ng tatlong nasabing institusyon kabilang ang paglilinang at pamamahagi ng kaalaman ng Advance Water Management Centre, pamimigay ng trainings ng IWC, na puwedeng gamitin ng Manila Water na principles at stewardship.
Layunin ng programa maipakita ang kahalagahan ng water security lalo sa panahon ng climate change, pagtaas ng bilang ng populasyon at pagkawasak ng kapaligiran at iba pa.
Ayon kay Manila Water Chief Operating for New Business operation Virgilio Rivera, Jr., ang naturang programa ay nagpapakita ng determinasyon ng kompanya na mag-ambag para sa ikatatagumpay ng Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations na magbigay ng malinis na tubig.
Nais ng Manila Water na magkaroon ng mga gawaing makatutulong sa pagpapanatili ng water security sa iba’t ibang parte ng bansa kaya’t labis ang kanilang paghihikayat sa iba’t ibang institusyon para makahingi ng sapat na tulong.
“Our vision is to get quality and committed stakeholders to get involved in creating and implementing projects that will assist in ensuring the availability and sustainable management of water and sanitation for all,” saad ni Rivera.