Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss
John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss

John Lloyd, wala nang interes sa showbiz

KUNG iisipin mo, wala pa ring pormal na pag-amin si John Lloyd Cruz na may anak na siya kay Ellen Adarna. Bagama’t doon nga papunta ang lahat ng indikasyon at isang taon na halos niyang tinalikuran ang kanyang career para walang makapakialam sa sitwasyon nila ni Ellen, wala silang anumang sinasabi talaga.

Ang naglalabasan ay puro mga tsismis lamang at mga impormasyong nagmumula sa mga third parties. Kaya nga ang pumapatol lang naman sa mga kuwentong iyan ay iyong mga blogger eh, kasi iyong mga lehitimong peryodista, hindi papatol sa hindi sigurado.

Kagaya nga noong nakaraang linggo na may lumabas na mga picture sina John Lloyd at Ellen na may dalang isang bata sa beach, may espekulasyon na iyon na nga ang kanilang anak, pero sa kanilang post mismo ay wala silang sinabing iyon ang anak nila.

Noong isang araw, may lumabas ding post ni John Lloyd na nagsulat ng ilang linyang tula na sinasabi niyang, “para kay Elias.” May nagsabi agad na umamin na si John Lloyd dahil ang batayan lang naman ay ang tsismis na ang kanilang anak na pinangalanan nilang “Elias Modesto.” Pero kung titingnan mong mabuti, wala namang pag-amin.

Pero ano pa nga ba ang inaasahan natin kay John Lloyd? Oo nakapanghihinayang ang kanyang career bilang isang actor, kasi established actor na sana siya. Hindi bale si Ellen na mga minor role pa lamang naman ang nagagawa. Pero maliwanag na wala na siyang intensiyong maging isang artista. Gusto na niya ang isang tahimik na pamumuhay. Nagpipinta siya. Happy na siya sa simpleng buhay. Nakakapaglakad siya kung saan niya gusto. Nagagawa na niyang kumain ng balot sa bangketa. Hindi niya magagawa ang lahat ng iyan kung artista pa siya.

Sa ngayon, iyon ang mas maliwanag. Wala nang interest sa showbiz si John Lloyd.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …