Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban john Lloyd Cruz Ellen Adarna
Angelica Panganiban John Lloyd Cruz Ellen Adarna

Angelica, pinatawad na si John Lloyd

MISTULANG nagpiprisinta na si Angelica Panganiban para maging ninang ng anak ng ex n’yang si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna.

“Ano, gusto mo ba akong magninang? Kasi mabuti akong ninang,” parating ng aktres kay John Lloyd noong mag-guest siya sa Gandang Gabi, Vice nitong nakaraang Linggo sa Kapamilya Network.

Pinaglaro ni Vice Ganda si Angelica sa segment ng show na nagpapakita ng mga litrato at magtatanong ang guest kunwari roon sa tao sa litrato. At ‘yun nga ang itinanong ni Angelica sa picture ni John Lloyd.

Sana naman ay sincere ang offer na ‘yon ni Angelica, pati na ang deklarasyon n’yang pinatawad na n’ya si John Lloyd sa tuluyang pang-iiwan sa kanya para makipagrelasyon kay Ellen.

Promo guesting kasi ‘yon ni Angelica kaugnay ng bago n’yang seryeng  Playhouse sa Kapamilya Network. Natarayan na n’ya noon sina John Lloyd at Ellen sa iba n’yang guestings at media events/interviews, at may nga nagsususpetsa na pa-sweet na siya kay John Lloyd para maiba naman ang drama n’ya sa mundo.

At sa Playhouse, ang papel ng aktres ay ninang siya ng isang bata na kinakailangan n’yang alagaan dahil yumao ang mga magulang nito sa isang aksidente. Katuwang n’ya sa pag-aalaga ang karakter naman na ginagampanan ni Zanjoe Marudo.

Nagpo-promote na rin si Angelica ngayon ng balik-tambalan nila ni Carlo Aquino na ex din n’ya. Exes Baggage ang titulo ng pelikula.

May mga duda sa sincerity ni Angelica dahil parang si John Lloyd lang ang pinatawad na n’ya kahit na never naman ito humiling ng pagpatawad. Sa Gandang Gabi, Vice, hindi binabanggit ni Angelica ang pangalan ni Ellen.

Pahayag ni Angelica, “Napatawad ko na. Masaya na ako. Masaya ako at wala akong hinihiling kung hindi ang buong buong happiness niya. Talaga. Nilang lahat. ‘Yun lang ang gusto kong mangyari. Sana, ‘yung hiniling niya, nakuha niya talaga.”

Sana lubusan nang mapatawad ni Angelica si Ellen. Nakaka-good karma ang pagpapatawad.

Sana rin ay itigil na ni Angelica ang pag-o-offer niya na maging ninang ng anak nina John Lloyd at Ellen para ‘di siya magmukhang gumigimik lang. Matagal nang nabinyagan ang anak ng dalawa. Sa kumpil na lang siya magprisintang maging ninang.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas


Jake, walang takot na sumalang sa isang stage play
Jake, walang takot na sumalang sa isang stage play
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …