Tuesday , November 5 2024
dead gun police

Ex-tanod todas sa ambush

PINAGBABARIL at napatay ang isang dating barangay tanod ng isa sa armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa Baclaran, Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa ospital dulot ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jose Biona, residente sa Sitio Maligaya, Baclaran, Parañaque City.

Ayon sa pulisya, dakong 10:00 pm, habang naglalakad ang biktima para bumili ng beer sa tindahan sa naturang lugar, nang dumating ang dalawang lalaking nakasuot ng helmet at lulan ng motorsiklo.

Pagtapat kay Biona ay bumunot ng baril ang isa sa mga suspek saka pinaputukan nang tatlong beses ang biktima na duguang bumulagta sa kalye. Mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Iniimbestihan ng pulisya ang posibleng motibo sa insidente. (MANNY ALCALA)

About Manny Alcala

Check Also

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

The Office of the President suspended Dagupan City Councilors Redford Erfe-Mejia, Alipio “Alf” Serafin Fernandez, …

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

Serbisyong legal para sa kapos-palad kaloob ng lawyers group at FPJ Panday Bayanihan party-list

SISIMULAN na ang mga serbisyong legal at konsultasyon sa darating na Biyernes, 8 Nobyembre, makaraang …

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *