Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derrick, aminadong ‘pinasasaya’ ang sarili araw-araw

SA edad na 23, aminado ang GMA artist na si Derrick Monasterio na may karanasan na siya sa sex at hindi rin naman niya ikinahiya na ngayong wala siyang girlfriend ay pinasasaya niya ang sarili araw-araw.

Nang banggitin ito ni Derrick sa presscon ng pelikulang Wild and Free ay naghiyawan ang lahat dahil nga hindi nila inaasahang aamin ang aktor at natawa na rin siya dahil, ”’yan naman talaga ang gusto ninyong marinig, ‘di ba?” sambit ng binata.

Sabi ni Derrick ay level-up na itong ginawa niya sa pelikula nila ni Sanya Lopez dahil parang grumadweyt na siya sa wholesome image.

“Nasa right age naman na ako, so level-up na. I’m 23 pero right age na. Well ang maganda sa movie, hindi ko pa ipinakita lahat, mayroon pa rin akong itinago. Mayroon pang next-level, he, he, he,” saad ng aktor.

Willing bang magpakita ng butt si Derrick sa susunod niyang pelikula? ”Depende po, sa ngayon hindi pa ako komportableng magpakita ng butt. Pero sa mga eksena, kinausap kami ni direk (Connie Macatuno) kung paano gagawin. 

“Sabi niya (direk Connie), ‘o rito mo lang siya puwedeng hawakan, dito mo lang siya puwedeng i-kiss.’ Actually uncomfortable kasi aware kaming may kamera kaya hindi puwedeng gumawa ng mga ganoon. Madali lang mag-cut actually kasi hindi naman kami into na walang tao. Pero ganoon nga.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Derrick, tinablan sa unang sex scene
Derrick, tinablan sa unang sex scene
Derrick, walang saplot sa mga love scene
Derrick, walang saplot sa mga love scene
Star Cinema employees, bongga ang Pasko dahil sa KathNiel
Star Cinema employees, bongga ang Pasko dahil sa KathNiel
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …