Monday , December 23 2024
Alden Richards
Alden Richards

Alden, umasenso man, humble pa rin

GRABE na rin ang asenso sa buhay ni Alden Richards. Hindi lang acting as an actor sa pelikulang isa sa mga kinalalagyan niya, as TV actor or host. Very proud siya as talent ng Eat Bulaga! at Sunday Pinasaya.

Ang galing-galing na rin niya sa larangan ng musika, mahusay umawit, ‘am sure mayroong nag-tutor sa kanya ng tamang pagkanta. Higit sa lahat, hindi na mabilang sa daliri sa kamay ang mga commercial niya, isali na rin pati daliri sa paa.

Ang Lola na lang ni Alden ang tumatayong Ina niya sapagkat pumanaw na ang kanyang butihing Ina, na siyang nangarap na mag-artista siya. Sad to say na hindi na nito nahintay ang pagsikat ng anak at namatay.

Gayunman, kung nabubuhay ang mother ni Alden, sure na sure happy siya sa narating ni Alden. Ang ama niyang si Mr. Faulkerson noong mga panahon na hindi pa busy si Alden ay babad sa isang gym dito sa Phase-3 Golden City Sta. Rosa Laguna. Pagdating naman sa investment, marami na siyang naipundar, lalo na mga restaurant. Ang Conchas Garden Cafe sa Quezon City at sa Tagaytay City na sikat sa masasarap na pagkain at talaga namang dinarayo ng mga tao. At ilang properties na rin ang nabili niya like house and lot at sasakyan.

Sa kabila ng magandang tinatamasang suwerte ni Alden, very humble pa rin ang mag-amang Faulkerson. Hindi nila ipinagma­mayabang ang mga achievement ni Alden.

NAGKASAKIT,
NA-DEPRESS,
BALIK-PAGSULAT

SORRY po, still writing sa HATAW. May ilang friends ako sa Golden City, Sta. Rosa Laguna at pati ng news stand na suki ko. Hinahanap kasi nila ang column ko, hindi na nila ako nababasa.

Sagot ko, nagkasakit ako. Pati na nga sa Star Awards for Music hindi ako nakadalo. Namatay ang kapatid ko. Si Eddie Celi, 50. Medyo down hearted ako, depressed, nabigla, at ‘di pa rin makapaniwala na wala na siya. Last Sunday inilibing, tahimik na siya. Very closed kaming magkakapatid.

Me, alive na ako now life must go on ‘ika nga. Dagdag lakas pa at alam kong GOD IS GOOD all the time, hindi niya ako pababayaan. Ang daming nagdaan sa inyong columnist na SENIOR CITIZEN, pero si Lord God Jesus ang aking pinaghuhugutan ng lakas, walang imposible sa kanya.

Thank you Lord Jesus, Mama Mary, Saint Padre Pio, Saint Joseph foster father of Jesus at ang money giver na si St. Expeditus at sa aking chaperone sa aking mga lakad, si Saint Michael D’ Archangel. Amen!

NO PROBLEM DAW
ni Letty G. Celi

About Letty Celi

Check Also

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *