Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arnold Clavio Ali Sotto Joel Reyes Zobel
Arnold Clavio Ali Sotto Joel Reyes Zobel

Slogan ng GMA, nananaig ba sa lahat ng oras?

NANANAIG nga ba sa lahat ng pagkakataon ang slogan ng pambalitaan ng GMA na, “walang kinikilingan, walang pinoprotektahan” most especially among its on-camera news personalities?

Hati kasi ang mga reaksiyon ng mga tagapakinig (and viewers alike) sa teleradyo nina Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel, at Ali Sotto sa DZBB (AM radio arm ng GMA).

Ang paksa kasi nilang tinalakay kamakailan ay ang mungkahi o proposal ni Senate President Tito Sotto na palitan ang huling linya ng ating pambansang awit, ang Lupang Hinirang.

Ang mga liriko nito’y likha ni Jose Palma mula sa komposisyon ni Julian Felipe.

Maging sina Igan at Joel ay hindi pabor sa nais mangyari ni Sotto, pero “nganga” si Ali on this. Sa mga hindi nakaaalam, dating asawa ni Ali si Maru, kapatid nina Tito, Vic, at Val.

Baka ang tinitingnan na lang ni Ali kahit paano’y ang minsang pinagsamahan nila ng mga kapatid ng kanyang ex-husband. Iba man ang asawa niya ngayon, pero hindi ibig sabihi’y pinatid niya ang tanikala ng kanilang pinagsamahan noon.

Maging ang isyu kasi na sinisilip ng taumbayan ang umano’y pagbibigay ng proteksiyon ni Sotto sa kabaro niyang si Senator Antonio Trillanes ay NR (no reaction) din si Ali.

Kung matatandaan kasi, makaraang ipinag-utos ang pag-aresto (ng walang warrant) kay Trillanes (dahil ini-revoke ang kanyang amnesty grant) ay si Sotto ang unang-unang kumandili rito.

Ang ending, hitsurang naging instant residence nga ni Trillanes ang Senado, bagay na inalmahan ng marami nating mga kababayan dahil pera ng taumbayan ang ginagastos sa pagkonsumo nito ng utilities doon.

Pinararatangan tuloy na “codder” o protektor si Sotto ni Trillanes, na kamakaila’y inireklamo ng kanyang kapwa mistah na nag-oorganisa ng mga pagkilos laban sa gobyerno (inciting to sedition).

Ginamit na basehan ng opisyal ng DOLE ang pagtawag ni Trillanes ng iba’t ibang bansag kay Pangulong Duterte, kabilang na ang mga katagang insane, murderer, stupid, corrupt at iba pa.

Pinatotohanan din nito ang umano’y pagkadesmaya ng buong sundalo kay Trillanes to the extent na nais ng PMA Alumni Association, Inc. na tanggalin ang pangalan nito sa kanilang talaan.

Kung ito ang gagawing basehan ay alin kaya sa dalawa ang madaling malusutan ni Sotto: ang umano’y proteksiyong ibinibigay niya kay Trillanes, o ang public outrage kaugnay ng kanyang proposal sa nananahimik na national anthem?

Anong balidong paliwanag o katwiran kaya ang isasangkalan ng bigotilyong mambabatas na gustong ipako sa krus ng marami nating kababayan?

Basta isa lang ang aming alam.

Ang tunay na magaling ay hindi nagmamagaling.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …