Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ali Sotto, Pat-P Daza, Ano Sa Palagay N’yo

Tambalang Ali Sotto at Pat Daza, masusubukan sa Ano sa Palagay ‘Nyo? ng Net25

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SIMULA ngayong Lunes, Oct. 18, mapapanood na ang tambalan nina Ali Sotto at Pat Daza via Ano Sa Palagay N’yo?.

Ito ang bagong morning TV-radio experience na hatid ng NET25, samahan sina Ali at Pat na sagutin ang Ano sa Palagay ‘Nyo?

Ang komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalaking broadcasters ay tatapatan ngayon ng dalawang strong at pretty nanays na may ‘say’ pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan.

Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikolosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon. “Maiparamdam natin na first and foremost, Filipino tayo,” ayon kay Ali. “I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin puwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least mayroon tayong kaalaman kung paano natin puwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad naman ni Pat-P.

Magiging ‘Very light at naiintindihan ng lahat ng tao’ ang talakayan ‘ika nga nina Ali at Pat-P.

Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 ng umaga, sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz, at Eagle FM 95.5.

Makibahagi sa talakayan! Mapa-tungkol sa politika man iyan, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko, o pagtugon sa pandemya, importanteng marinig ang boses ng sambayanan.

Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtube channel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates.

Facebook: NET25, Instagram: @net25tv, Twitter: @net25tv, Telegram: t.me/net25eaglebroadcasting, Youtube: NET25, at Official website: net25.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

BingoPlus GMA

BingoPlus leads the next chapter in digital storytelling and mobile viewing

GMA’s “A Masked Billionaire Stole My Heart” poster, streaming exclusively on BingoPlus app Kicking off …

Dianne Medina

Dianne nababalanse oras sa pamilya at trabaho

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKINABANGAN ni Dianne Medina ang galing sa pagsasalita, determinasyon, diskarte, at pagiging positibong …

Derek Ramsay Ellen Adarna

Ellen naglabas ‘resibo’ ng pagtataksil umano ni Derek

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BINASAG ni Ellen Adarna ang pananahimik  kahapon sa paglalabas ng resibo ukol sa imano’y …

Diane de Mesa Do You Feel Christmas

“Do You Feel Christmas?” bagong single ni Diane de Mesa  

HALOS taon-taon ay naglalabas ng Christmas song si Diane de Mesa. This year, ang new Christmas single niya ay pinamagatang “Do You Feel …

Margaret Diaz

Margaret Diaz swak bilang Bagong Pantasya ng Bayan, tampok sa remake ng “Balahibong Pusa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie sexy actress na si Margaret Diaz ay tiyak na …