Tuesday , July 23 2024
Miya Nolasco Baby Go

Miya Nolasco game magbalik showbiz, nagbukas ng bagong business

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG dating aktres na si Miya Nolasco na sumikat noong taong 1996 ay willing magbalik-showbiz. Pero depende raw ito sa ibibigay sa kanyang role.

“Yes, willing naman akong magbalik. Siyempre, panindigan ko na, gusto kong bumalik eh,” nakangiting pahayag niya. 

Dagdag pa ni Miya, “Pero siyempre po dapat ay pili lang ang role. Siyempre I have aged na rin po, I’m 46 years old na.”

Ayon pa kay Miya, game rin daw siyang gumanap sa mother role.

Given a chance, gusto raw niyang makatrabaho si Alden Richards, dahil, “Nacu-cute-an kasi ako kay Alden,” nakangiting wika ni Miya.

Nagstart siya sa showbiz noong 12 years old pa lang as model for Cinderella. Nakagawa siya ng apat na pelikula, na ang una ay Manila Girl noong 14 years old pa lang siya.

Launching movie niya ang Reputasyon, at tinampukan din niya ang dalawang pelikulang Mapagbigay at Unang Tibok na mula sa kanilang company na Nolasco Visual Arts.

Ang mga nakasabayan niyang aktres ay sina Vina Morales, Ina Raymundo, at Ruffa Gutierrez.

Ang BFF naman niya ay sina Beth Tamayo at Giselle Sanchez.

Matatandaang nag-quit sa mundo ng showbiz si Miya nang nagkaroon sila ng gap ng manager niyang si Annabelle Rama, na lumaki nang todo. Kaya para makaiwas na lang daw sa anumang intriga, minabuti niyang iwan na lang ang pagiging aktres.

Pagbabalik-tanaw ni Miya, “Hindi ko po nakayanan iyong mga sabi-sabi noon, bata pa po kasi ako that time, 19 years old. Ngayon ay kaya ko nang harapin ang ano mang issue. Nagagalit na rin si Mommy sa akin noon, kaya para matigil na ang issue, nag-stop na po ako sa showbiz.”

Ngayon ay isang single mom ang former actress na may limang anak at naka-focus sa kanyang pagiging businesswoman.

Recently ay binuksan ni Miya ang kanyang negosyo ang Danny’s Cafe and Restaurant at Gracetique Salon for Men and Women na matatagpuan sa 8612 Aseana in Paranaque City. Actually, parang business partner dito si Miya at ang mother niyang dating movie producer na si Ms. Gina Nolasco.

Guests sa opening nito at sa ribbon cutting ang kilalang movie director na si Elwood Perez at lady boss ng BG Productions na si ms. Baby Go.

Ano ang service sa kanilang salon? ” Marami po, like services sa facial, haircut, massage…”

Bakit ito ang naisipan niyang business? “Kasi, since bata pa po ako, wish ko na talagang magkaroon ng salon.

“Bale, second business venture ko na ito, nagkaroon na rin ako before ng restaurant,” nakangiting esplika pa niya.

Ano ang most memorable experience niya noon sa showbiz?

Aniya, “Siyempre yung mga fans ko, hindi ko makakalimutan ang fans ko na nagsu-support sa akin noong time na iyon, na kaya ako sumikat ay dahil sa kanila. Ang name nila ay Miya Nolasco Fans Club, every Sunday nandoon sila sa amin, nagkakainan, ganoon po.

“Siyempre po, pati ang mga taga-media, taga-press na nagsu-support sa akin, like si Tito Joey Sarmiento.”

Incidentally, si Joey ang nagma-manage ng career ngayon ni Miya.

About Nonie Nicasio

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

Gary Valenciano Inspired

Gary Valenciano pinakaba ang netizens sa black & white poster

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang matawa ni Gary Valenciano sa naging reaksiyon ng netizens sa black and …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

blind item

Bagong gay series bokya, ‘hindi kinagat 

HATAWANni Ed de Leon AY sorry, mukhang hindi kinagat ng mga bading iyong isang bagong …