Monday , November 25 2024

SALN ng Ilocos Sur official bubusisiin

HINIKAYAT ng isang grupo ng mga nagpapa­kilalang Die-hard Duterte Supporters (DDS) ang pamahalaan na imbes­tigahan ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na naging kongresista rin at konsehal ngayon ng bayan ng Narvacan.

Anila, may kaso dati si Singson sa Office of the Ombudsman kaugnay ng pagbulsa sa bahagi ng Ilocos Sur sa excise tax na nagkakahalaga ng P26 milyon ngunit dinismis ito ng Sandiganbayan sanhi ng 10 taong delay ng Ombudsman na magsa­gawa ng preliminary investigation.

“The reckoning of time it took for the Office of the Ombudsman to evaluate the accused’s case should not overshadow the sub­stantial issue in this case which is the embezzle­ment of public funds by the erring public officials entrusted with such funds,” inilahad ito sa mosyon nina prosecutors Harry Caldino at Char­maine Calalang.

Ngunit sa panayam ng www.entrepreneur.com.ph, inamin ni Singson na marami siyang kom­panya na hindi sa kanya nakapangalan kaya malinaw na gumagamit siya ng dummies kaya dapat imbestigahan ng Ombudsman ang kanyang SALN.

“The construction (business) I make billions; the transportation (busi­ness), I’m netting around P100 million a month; I’ve earned P1 billion from that in previous years, just for transportation,” ani Singson na nang tanungin kung ilan ang kanyang kompanya ay umaming “There are a lot. Maybe around a hundred. Some of them aren’t in my name. My net revenues amount to about P120 million a month. There are a lot (of companies). I have many businesses that earn millions.”

Isang abogadong DDS ang nagsabing ma­ra­ming butas ang SALN ni Singson lalo’t inamin na may mga kompanyang hindi nakapangalan sa kanya gayong malinaw na isa pa rin siyang pam­publikong opisyal.

Kabilang sa mga sinabing kompanyang pag-aari ni Singson na nasa ilalim ng LCS Group of Companies ay may interes sa construction, agriculture, tran­sport­a­tion, mining, aviation, media, banking, finance at retail, na hindi gaanong malaki noong 2016 pero biglang lumobo ngayong 2018 sa kabila ng kam­panya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korupsiyon.

Ngunit idiniin ng abogado na ayaw mag­pabanggit ng pangalan na si Singson pa rin ang “jueteng king” at ang illegal numbers game sa buong Ilocos Region ay kontrolado nila ng kapa­tid na isang Jose, alyas “Bonito” Singson at mga anak na sina Congress­man Ronald at Ilocos Sur governor Ryan.

Ipinangalandakan ng kanyang anak na si Luis Singson, Jr., sa Instagram account nito ang mga bara ng ginto na sinasa­bing pag-aari ng pamilya at dapat mabatid kung nasa SALN ng kanyang ama.

“There are reports that his illegal numbers game business is earning P100 million a day in Ilocos Region alone and that a certain Peter Faus is mana­ging a media lists who are on payroll, to contain any public scrutiny,” dagdag ng abo­gado. Sa ibang panayam, ilang beses itinanggi ni Singson na hindi siya konektado sa mga ilegal na gawain gayondin ang kanyang kapatid at mga anak. (ERA)

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *