Sa nasabing post din ni Kris ay nabanggit niyang mahaba ang naging usapan nila ng dalawang de kalidad na abogado niya para ayusin ang problema ng KCAP company niya na hindi niya sukat akalaing lolokohin siya ng taong pinagkatiwalaan.
Ang masakit kay Kris kaya umabot sa mahigit na isang buwan siyang stress ay dahil dinadamdam niya ang taong itinuring niyang pamilya na sumira sa tiwala niya.
Kaya pala nagtataka rin kami kung bakit kagagaling lang sa wellness vacation ni Kris ay nagpa-fluctuate pa rin ang blood pressure niya.
Nanalangin naman ang lahat sa agarang paggaling ni Kris at maayos ang kinakaharap na problema ng KCAP.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan