Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan
Joel Lamangan

Joel Lamangan, aarte sa entablado

DALAWANG weekends na magiging batikang aktor si Joel Lamangan. Opo, si Joel Lamangan na premyadong direktor sa pelikula, sa telebisyon, at sa teatro (stage).

Pero hindi sa pelikula at hindi rin sa TV aarte si Direk. Sa teatro siya aarte—na walang “cut!” at take 2 sakaling magkamali siya.

Pero hindi acceptable na magkamali siya—dahil siya ang bida sa Ang Buhay ni Galileo. At bilang bida, limang minuto lang siguro siyang wala sa entablado at hindi kasali sa eksena.

Sa September 28-30 at October 5-7 itatanghal ng Philippine Educational Theater Association ang Ang Buhay ni Galileo sa PETA Theater Center sa Eymard Drive, Quezon City. Ang manunulat ng pelikulang Goyo ni Paulo Avelino ang magdidirehe sa kanya, si Rody Vera, na napakarami ng award bilang playwright.

Bagama’t may ilang bahagi ng Ang Buhay ni Galileo na may aawit na koro, matinding drama ang pagtatanghal. Drama ng pakikipagtunggali ng isang intelektwal na siyentista sa institusyon ng simbahan na ‘di sanay na may kumukontra, ‘di sumasang-ayon sa kanila.

May mga eksenang galit na galit si Galileo, may nalulungkot, nagsisisi, nakikipagtalo, nagpapaliwanag, humahalakhak, nang-uusig. Napakaraming emosyon siyang daranasin at itatawid para mapangibabaw ang katotohanan ng siyensiya sa mga sapantahang inuuban na. At ‘yon ay ang paniniwalang sa daigdig umiinog ang mga planeta at lahat ng nasa kalawakan; ang mundo ay sentro ng universe.

Mathematician, astronomer, at physicist si Galileo na matiyagang gumamit ng teleskopyo para siyasatin ang mga planetang nasa kalawakan. Mga 60 years old na siya sa istorya pero ‘di mangingimi na ipaglaban ang katotohanan.

Sa tunay na buhay ay senior citizen na rin si Direk Joel. Kakayanin ba n’yang pumagitna sa entablado mula sa umpisa hanggang sa katapusan ng pagtatanghal na lagpas sa dalawang oras?

Pero may sense of humor din naman ang karakter ni Galileo. At napakahilig n’ya sa masasarap na pagkain. ‘Di siya siyentistang ‘pag nagsimula nang magtrabaho ay nakalilimutan nang kumain!

Sa totoo lang, pangatlong round na ni Direk Joel na gaganap na Galileo. Una n’yang ginampanan ‘yon noong 30-anyos na siya noong 1981, noong ang PETA ay sa mga guho pa ng Fort Santiago sa Intramuros nagtatanghal. Noong Nobyembre ng nakaraang taon, ginampanan n’ya muli ang matandang henyo sa isang espesyal na pagtatanghal ng PETA sa Fort Santiago (at doon namin siya napanood).

Halos kalalabas lang ni Direk Joel sa pelikula ni direk Louie Ignacio na  School Service na itinanghal noong Agosto bilang entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino. 

Ilang buwan lang din ang nakalipas noong idinirehe n’ya ang musical na  Binondo sa The Theater at Solaire (casino-hotel).

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas


Gabby, umaasa pa ring matutuloy ang movie nila ni Sharon
Gabby, umaasa pa ring matutuloy ang movie nila ni Sharon
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …