TO BE EXACT, sa September 28 ay tatlong taon na sa ere ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin at pagkatapos ng malaking selebrasyon sa ASAP para sa 3rd anniversary ng No.1 show sa bansa, naglunsad siya ng party para sa lahat ng production staff nila sa AP na since day one ay kasama nilang nagsusunog ng kilay para makapagbigay gabi-gabi ng magandang palabas sa publiko.
At sobrang nagpaka-generous ni Coco sa nasabing pa-party. Namigay siya ng brand new car at tig-P100K para sa limang staff. We heard na nagwagi ng kotse ang buntis na staff na naka-assign sa editing ng Ang Probinsyano. Sa ABS-CBN Vertis Tent ginawa ang masayang pagtitipon ng cast at ng production people.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma