Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KC Concepcion Sharon Cuneta
KC Concepcion Sharon Cuneta

KC, balik-‘Pinas para sa My 40 Years; Mega, nawalan ng boses

DUMATING na sa bansa ang panganay na anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion pagkatapos ng ilang linggong pamamalagi sa Paris kasama ang French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart at pamilya nito.

Pangako ni KC na uuwi siya ng Pilipinas para makasama ang ina sa nalalapit nitong My 40 Years concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Setyembre 28, Sabado.

Tuwang-tuwa naman si Sharon na ipinost ang litratong kasama ang dalawang anak na sina KC at Miel, alagang aso (KC) nitong Biyernes na may caption, “KC and Miel (and KC’s baby Churro) visited me on the set of my shoot for my new TV commercial yesterday!!! Sooo happy my baby no. 3 came and then baby no. 1 surprised me!!! Just got home a few minutes ago from the 2nd and last day of my commercial shoot. Thank You Lord God for this blessing. I LOVE this endorsement. You’ll see why agad when it comes out!! Guesting on Showtime tomorrow (Sabado). Have to rest na. Goodnight and sweet dreams! God bless you and love you all.”

Anyway, balik-guesting si Sharon sa I Can See Your Voice para sa unang taong anibersaryo ng programa ni Luis Manzano.

Unang napanood si Shawie sa I Can See Your Voice noong Abril 28, 2018 at pagkalipas nang limang buwan ay muling napanood siya nitong Setyembre 22 at isinabay na rin ang promo ng kanyang My 40 Years concert sa Setyembre 28.

Mapapanood sa 2-parts special presentation ng I Can See Your Voice ang Megastar at base sa episode nitong Sabado ay isa lang ang pagkakamali ni Sharon.

Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay nag-post si Sharon ng litrato ng paborito niyang bulaklak at sinabing masama ang pakiramdam niya dahil nawalan siya ng boses.

Ang caption ng Megastar, “have been resting and not talking much since I got home from Showtime yesterday. My voice isn’t in good shape and I’ve been giving it a chance to re-over for later’s Gabay Guro. And my husband who came in with Miguel gave me this bouquet of beautiful roses — now THIS and a very, very light pink/blush are my favorite color roses! Love you Dada! Thank you!”

Base naman sa mga komentong nabasa namin ay pinagpapahinga muna si Sharon ng IG followers niya para paghandaan ang nalalapit niyang show.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Kris muling iginiit, Hindi ako tatakbo sa Senado sa 2019
Kris muling iginiit, Hindi ako tatakbo sa Senado sa 2019
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …