MAY balitang kumakalat na ikinasal na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla noong September 13, two days after his hosting job sa 9th & 10th PMPC Star Awards for Music.
Looking like a ‘Star of the Night’ but said special award was won by Christian Baustista and Karylle.
Kaya lang may press release ang GMA-7 na hindi totoo ang kumakalat na balita dahil nasa bahay lang si Kylie at nagpapahinga dahil may taping ito sa Victor Magtanggol kinabukasan.
Ang totoo sa balita ay inaayos na ang kasalan at gagawin sa November. “Iyon ang medyo tama. Ang alam kasi namin, may engagement party before the wedding,” text sa amin ng handler ni Kylie.
Kaya hintayin na lang ang official announcement kung sa November na nga ba ang kasalan at kung sa isang resort gaganapin ito. Hindi kaya itaon ang kasal sa kaarawan ni Robin Padilla sa November 23?
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu