Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban Carlo Aquino

Carlo sa posibilidad na magkabalikan sila ni Angelica — Hindi naman ako nagsasara ng pintuan

MAY kuhang picture si Angelica Panganiban sa bahay niya na kasama ang ex niyang si Carlo Aquino, at ang mga magulang nito na sina Mommy Amy at Daddy Joe. Kongklusyon ng nakakita ng picture, siguro ay nagkabalikan na sina Carlo at Angelica, at kaya naroon si Carlo sa bahay ni Angel with his parents, ay dahil namanhikan na ito.

Pero ayon kay Carlo, hindi sila nagkabalikan ni Angel, kaya walang pamanhikan na naganap.

Kasi pupunta ako sa airport, kukuhanin ko ‘yung pusa ko, si Sinta. Siya [Angelica] kasi ang nag-alaga ng ilang araw. Para hindi ko na ihatid sina Mommy sa bahay, ‘tapos bumalik ulit, dumaan na kami. Hindi pa rin kasi nakikita nila Mommy ang bahay ni Angge.  Ang tagal na niya roon, parang magkapitbahay lang kami, ilang minutes away, pero hindi pa rin niya nakikita,” paliwanag ni Carlo sa interview sa kanya ng Pep.ph.

Ayon pa sa award-winning actor, natuwa rin ang mga magulang niya sa pagbabalik ng closeness nila ni Angelica. Noong naging sila nito, noong mga bata pa sila ay close na ang pamilya nila.

Kasi noong time rin naman, may girlfriend din ako. Naiintindihan din naman nila ‘yun. 

“Pero ‘yun nga, never naman nawala ang communication. Every once in a while, nagti-text ako sa kanya. Kinakamusta ko siya. Ganoon din naman siya sa akin,” pagtukoy niya kay Angelica.

Sa tanong na kung may posibilidad na magkabalikan sila ni Angel, ang sagot ni Carlo, “Hindi naman ako nagsasara ng pintuan, lalo na kung feelings. Ayokong pigilan ang feelings.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …