PAGKATAPOS ang balitang tangkang pagpapatalsik kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Kamara, pumutok din ang isyu ng budget insertion na umaabot sa P50 bilyones.
Dahil wala nang ‘pork barrel’ ang mga mambabatas, may henyo yatang nakaisip na ipasok ito sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pero piling-pili at iilan lang ang makakukuha.
Pero dahil nasilip ito ni Rep. Rolando Andaya. Jr., dating Department of Budget Management (DBM) secretary noong panahon na pangulo pa si GMA, biglang nagkagulo sa Kamara.
Nagkaroon ng mga bantang ‘kudeta’ na naman sa Kamara pero sa huli, napayapa rin ito.
Hindi natin ma-imagine kung ano ang itsura ng mga mambabatas kapag pera o budget ang pinag-uusapan.
Hindi lang parang nanonood ng basketball sa higpit ng bantayan kundi tiyak wala pang tulugan.
Sa pamamagitan ng amyenda sa House Bill (HB) No. 8169 natahimik ang mga mambabatas dahil ipamamahagi ang nabistong P50-bilyong ‘isiningit’ na budget sa iba pang distrito imbes sa iilan lang.
‘Nakatago’ umano ang nasabing ‘singit’ na budget sa Department of Public Works and Highway (DPWH) at nakalaan lang sa 40 distrito kaya sa pamamagitan ng Committee Report No. 854 inamyendahan ang P3.757-trillion national budget para mapakinabangan nang lahat.
Pero ang higit na ipinagtataka natin dito, hanggang ngayon pala ay nakalulusot pa ang budget insertion?!
Wattafak!
Kailan kaya makokonsensiya ang mga mambabatas kapag budget na ang pinag-uusapan?
Tsk tsk tsk…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap