TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) adminisitrator Jason Aquino.
Sinabi ng Pangulo kahapon, naghahanap na siya ng ipapalit kay Aquino.
“Jason Aquino has requested that he be relieved already…. I will scout [for] a new one,” ayon kay Duterte sa tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Pagod na umano si Aquino na mga akusasyon at paninisi sa kanya na salarin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
“He says he is tired and he cannot cope up with the laro diyan sa… inside which is always an ordinary happening,” ani Duterte.
Giit ng Pangulo, ang tanging paraan upang matigil ang pagtaas ng presyo ng bigas ay mag-angkat ng mas maraming bigas.
“The only way is to import more, mag-buffer ako,” aniya.
Naniniwala si Pangulong Duterte na artipisyal ang rice shortage at manipulasyon lamang ito ng ilang “players.”
Tiniyak ng Pangulo na gagawin ng kanyang economic managers ang lahat ng paraan upang masolusyonan ang problema sa inflation.
(ROSE NOVENARIO)