Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshlia Joshua Garcia Julia Barretto
Joshlia Joshua Garcia Julia Barretto

NaK, ‘di mabitawan ng mga manonood

HINDI nakaporma sa ratings game ang katapat na programa ng Ngayon at Kailanman nina Joshua Garcia, Jameson Blake, at Julia Barretto sa loob ng dalawang linggo dahil simula nang umere ito ay hindi na binitiwan ng manonood.

Maganda naman kasi ang kuwento ng NaK lalo na ngayong nagsilaki na sina Joshua, Jameson, at Julia.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Ngayon at Kailanman, iisang babae pala ang pinagkuku­wentuhan nina Jameson at Joshua na nakilala nila at kaagad silang na-attract sa ugali dahil hindi katulad ng ibang babae na nagkakandarapa sa kanila.

Si Jameson para makasiguradong mapasasagot niya si Julia ay inalok niya ng malaking halaga para magamit sa operasyon ng tatay nitong si Domi­nic Ochoa.

Sa kabilang banda ay naiwan naman ni Julia sa LRT ang kanyang bag na naglalaman ng mga disenyo niyang kuwintas, bracelet, at hikaw na ibinebenta niya sa mga tiangge na nakuha naman ni Joshua at naiwan sa kotse ng nanay niyang si Alice Dixson.

Nang tingnan ni Alice ang laman ng bag ay nagulat siya dahil magaganda ang mga disenyo na kaagad niyang dinala sa gumagawa ng alahas para isama sa kanyang jewelry collections na ilo-launch niya at mapapanood ngayong linggo.

Samantala, ipakikilala naman ni Jameson si Julia sa pamilya niya at binilhan niya ng magandang damit para hind maging alangan sa event na dadaluhan sa bahay nila.

Rito malalaman na ni Joshua na si Julia pala ang binabanggit ni Jameson kaya sinabihan niya ang kuya na baka siya lokohin ng dalaga dahil nga hindi maganda ang una nilang pagkikita na ina­k­alang ninakaw nito ang cellphone niya.

Sa nasabing party sa bahay ng mga Corpus ay makikilala na rin ni Alice ang dalagang si Julia na binabanggit ng paborito niyang anak na si Jameson.

Ang tanong, ano ang magiging reaksiyon ni Julia kapag nalaman niyang mga disenyo niya ang ginamit ni Alice sa bago nitong set of Jewelry collections.

Sa kabilang banda ay sino ang babaeng kapitbahay naman ni Christian Vasquez sa probinsiya ang lugar na pinuntahan niya simula nang makipaghiwalay sa asawang si Alice. Si Iza Calzado na kaya ito?

Abangan ang Ngayon at Kailanman sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Jolo, binasag ang pananahimik — Yes, I’m single
Jolo, binasag ang pananahimik — Yes, I’m single
Leadership course sa Harvard, nasagasaan ng Tres
Leadership course sa Harvard, nasagasaan ng Tres
The Kids Choice, original concept ng Dos
The Kids Choice, original concept ng Dos
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …