ANG The General’s Daughter ng ABS-CBN ang susunod na proyekto ng mahusay na actor na si Arjo Atayde pagkatapos ng matagumpay na Buy Bust.
Makakasama sa Kapamilya serye ni Arjo sina Angel Locsin, Maricel Soriano, Ryza Cenon, Eula Valdez, Janice De Belen, Tirso Cruz III, Albert Martinez, at marami pang iba.
Very challenging para kay Arjo kanyang role dahil isang autism ang karakter niya. Bukod pa sa makakaeksena niya ang mga mahuhusay na actress na sina Maricel at Angel.
Bukod sa pelikula at teleserye sa ABS-CBN, busy din si Arjo sa pagiging brand ambassador ng BeauteDerm na pag-aari ni Ms. Rhea Tan na lumilibot sila sa buong Pilipinas at sa ibang bansa para i-promote ang mga produkto nila.Si Arjo ay may sariling Origin Perfume Series na Alpha, Radix.
MATABIL
ni John Fontanilla