Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pauline Mendoza
Pauline Mendoza

Pauline Mendoza, gustong mag-concentrate sa drama

HINDI pa man nabibigyan ng lead role si Pauline Mendoza, pero maituturing nang suwerte siya sa kanyang career.

Bakit ‘ika n’yo? Paano’y nakasama na niya ang ilang malalaking artista sa GMA 7 tulad nina Ricky Davao sa Little Nanay at Dingdong Dantes sa Alyas Robinhood Season 1.

Ani Pauline, una niyang project ang Little Nanay na sa mismong taping siya nag-audition para sa kanyang role.

Ang pinakaunang project naman niya ay ang That’s My Amboy na nasundan agad ng My Love From The Star at pagkaraan ay ang Alyas Robinhood at ang katatapos lang na Kambal Karibal.

Nag-guest na rin siya Magpakailanman MaynilaMarsWagas, at Tadhana.

Maganda ang naging role ni Pauline sa Kambal Karibal at wish niyang makasama ang paborito niyang Kapuso actress, si Marian Rivera.

Aniya, “I’d like to work with Ate Yan (Marian) po. Yes, si Ms. Marian Rivera. Kasi po si Kuya Dong (Dingdong Dantes) po naka-work ko na po sa Alyas Robinhood and he’s super nice po. And sana si Ms. Marian din po maka-work ko next show.”

Naririnig na kasi ni Pauline ang kabaitan ni Marian kaya gusto niya itong makasama. “Gusto ko po ma-experience working with her, as in magka-eksena together. Kasi nakasama ko na po siya sa SPS (Sunday PinaSaya), pero hindi ko po siya nakasama sa mga segment doon,” paliwanag ng dalaga.

Limang taon ang kontrata ni Pauline sa GMA at nakadalawang taon na siya sa Kapuso.

Ukol naman sa kung sino ang gusto niyang maging leading man sakaling bigyan siya ng solo show, sinabi nitong, “Kahit sino po siguro kasi kapag ako mismo ang pinapili ang hirap po kasi. Gusto ko sila na lang ang pumili for me. Mas alam po kasi nila kung sino ang bagay sa akin. At depende rin sa mga tao kung sino ang magugustuhan nila.”

Gusto naman niyang mag-concentrate sa drama kung bibigyang pagkakataon.

Noong Agosto 3 natapos ang Kambal Karibal at abala siya sa home school. Naghahanap siya ngayon ng home school for college dahil nais niyang kumuha ng Theater Arts.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Kitkat, bawal mapagod ang lalamunan

Kitkat, bawal mapagod ang lalamunan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …