Wednesday , December 11 2024

Kitkat, bawal mapagod ang lalamunan

HIRAP man magsalita pilit pa rin nakitsika sa amin si Kitkat nang magkita sa isang Korean restaurant sa Timog. Kasama niya ang kanyang asawa at ibinalitang kagagaling lang sa kanyang therapy para sa nawawalang boses niya.

Napag-alaman naming nagkaroon ng nodules o parang kalyo sa vocal cords niya dahil sa sobrang kadaldalan o maling gamit ng boses.

Kaya ang biro niya sa amin, “magsasalita lang ako kapag may bayad,” sabay tawa.

Bale bawal mapagod ang kanyang lalamunan, kaya kailangang tipid ang kanyang pagsasalita.

Ang sinasabing nodules ay mas kilala bilang Singers’ Nodes. Ito’y parang kalyo sa vocal cords na sanhi ng kasisigaw, kakasalita ng walang hinga-hinga o placing.

Wala namang problema si Kitkat sa pagkanta dahil nasa tamang placing iyon. “Sabi nga ng doctor kung puwede ko ikanta ang mga salita ko o sigaw na parang birit mas maganda. Kasi misuse, mali ang gamit ko ‘pag nagsasalita at sigaw at daldal. So, nagkakalyo kumbaga ang vocal cords ko,” kuwento ni Kitkat.

Kaya kinailangang mag therapy si Kitkat o ‘yung Speech Language Voice Therapy sa Speech Pathologist para i-therapy ang mga tamang pagsalita, pagsigaw, at pagdaldal ng matagal.

“Parang voice lessons pero para sa pagsasalita. Medyo may tatlong buwan na kasi akong paos, wala naman akong sakit kaya medyo nag-worry po ako. Mas maganda pa na puro super kanta ng kanta kasi mas nagiging healthy ang vocal folds ko. Pero ayun, maraming gigs ng fiesta, so sigaw ng sigaw. Hahahhaha!”

Nakadagdag pa ang acid reflux sa pamamaga ng larynx at vocal cords ni Kitkat kaya pinagagaling din niya ito.

“Actually ‘di naman talaga siya sakit, kumbaga nga po sa kalyo, kalyo po siya sa paa kakagamit or maling paggamit ng shoes or masikip.

“Usually ang nodules, ‘pag maliit at isa lang, minsan mas gusto ng singers. Kasi, mas nakadaragdag ng power or body sa boses lalo kung ang forte ng kanta is parang tipong Aegis. Kasi minsan kapag may nodules ay medyo nagha-husky ng kaunti, so maganda siya sa mga kanta ng tulad ng Aegis, Christina Aguillera, etcetera.”

Hindi naman apektado ang teleserye niyang Sana Dalawa Ang Puso dahil normal pa rin naman ang boses niya. At hangga’t maaari, iniiwan na niya ang sobrang pagsasalita kung hindi naman kailangan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Pauline Mendoza, gustong mag-concentrate sa drama
Pauline Mendoza, gustong mag-concentrate sa drama

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Toni Gonzaga Charo Santos Paul Soriano

Toni at Charo nagkita, balik-PBB?

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang naintriga at nagtatanong kung ano kaya ang pakay …

Alexa Miro Sandro Marcos Strange Frequencies Taiwan Killer Hospital

Alexa nilinaw Rep Sandro ‘di BF ‘di rin producer ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo HINDI boyfriend ni Alexa Miro ang anak ni President Bongbong Marcos na si Rep. Sandro Marcos. “Magkaibigan …

MMFF 2024 Grand Media and Fan Con MMDA

Bardagulan nina Enchong at Uge click sa netizens, MMFF may pa-Fan Con

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SALUDO kami sa dami ng event ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. …

Janice de Belen Espantaho

Janice quota na sa lovelife, ayaw nang magka-BF

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio OKEY lang kay Janice de Belen na wala siyang love life. Hindi …

Anthony Jennings Maris Racal Jam Villanueva

Maris ipinagtanggol, glam team naloko rin daw

MA at PAni Rommel Placente NALOKO rin umano ang glam team ni Maris Racal ni Anthony Jennings. Ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *