Thursday , January 20 2022
Pauline Mendoza

Pauline Mendoza, iniyakan ang pagdamay ng basher sa inang may cancer

NAKARAMI na rin ang young actress na si Pauline Mendoza ng TV series sa GMA-7 na na­ging parte siya. Pero nagmarka nang husto si Pau (nickname ni Pauline) sa Kambal Karibal.

Sa pagkakaroon niya ng pangalan, may kaakibat na mga basher rin ito. Sa panayam namin sa kanya, nabanggit ng Kapuso actress na ayaw na niyang pumatol sa mga bashers dahil ayaw niya ng negative vibes.

“Hindi na po tito, dine-dead­ma ko lang kasi ayaw ko po ng negative vibes na puma­pasok sa life ko. More on positive vibes po ako,” wika ni Pauline.

Pero, may instance ba na umiyak ka dahil sa isang issue o pagba-bash sa iyo sa social media?

Pag-amin ng aktres, “May­roon po, sinabihan kasi ako na mabuti nga raw na nagka-cancer ‘yung nanay ko, kaya napaiyak po ako.

“Iyon po talaga ang pinaka­grabe, kaya sinagot ko sila ng, ‘Hindi ninyo alam ang pinag­dadaanan namin kaya huwag nin­yong idamay ang family ko, lalo na ang nanay ko.’ Sabi ko, ‘Ako na lang, huwag na iyong nanay ko.’

“Masyado na po kasing below the belt kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at sinagot ko po talaga,” esplika ni Pau.

Ang mother ni Pauline ay may stage-3 breast cancer. Two years ago nang ma-diag­nose ang karamdaman ng ina ni Pau.

Inilinaw din ng 18-year old na aktres na wala siyang alam sa nangyaring intriga kina Bianca Umali, Kyline Alcantara, at Miguel Tanfelix. Kaya nagta­taka raw siya kung bakit nada­may ang pangalan niya sa issue sa tatlo.

“Nadamay lang po talaga ako dahil magkakasama kami sa Kambal Karibal, so wala naman silang ibang pagtatanungan. Basta po malinis ang konsen­siya ko, wala po akong gina­gawang masama at pareho ko po silang mga kaibigan.”

Dagdag ni Pau, “Sa totoo lang po, kapag magkakasama po kami nina Bianca at Kyline, nina Miguel, hindi po namin napag-uusapan, kami pong apat. Okay naman po kaming lahat ngayon.”

Anyway, sa kasipagan at sa kagustuhang puro positive vibes lang ang focus niya, sunod-sunod ang mga guesting ni Pau mula nang nagtapos ang serye nilang Kambal Karibal. Katatapos lang niya sa Wish Ko Lang, at mapapanood din si Pau sa AHA, MarsMaynila, at Imbestigador.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Blanktape, nominado as Novelty Artist of the Year sa Star Awards for Music

Blanktape, nominado as Novelty Artist of the Year sa Star Awards for Music

About Nonie Nicasio

Check Also

Nadine Lustre help Siargao

Nadine mas gustong tumulong, no time sa bashers

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA sa kanyang buhay ngayon si Nadine Lustre kaya naman wala itong time na …

Bianca Gonzalez

Bianca may tips para makaiwas sa Covid

MA at PAni Rommel Placente TINAMAAN din pala ng COVID 19 si Bianca Gonzales at kanyang pamilya. …

KD  Estrada Alexa Ilacad

Alexa nagulat nang tawaging babes ni KD (May relasyon na ba?)

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG may something nang namamagitan kina Alexa Ilacad at KD  Estrada huh? Sa live …

Madam Inutz Daisy Lopez

Madam Inutz nami-miss si Big Brother

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga AMINADO si Madam Inutz na miss na miss na niya si Kuya o Big Brother. Isa si Madam …

Heart Evangelista Leni Robredo Nadine Lustre

Netizens kumbinsidong ‘kakampinks’ sina Heart, Nadine

WALANG dudang Kakampinks sina Heart Evangelista at Nadine Lustre. Ito ang nagkakaisang paniwala ng mga netizen matapos mag-post …

Leave a Reply