Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
joshlia julia barretto joshua garcia
joshlia julia barretto joshua garcia

Onanay, ‘di makaporma sa NaK ng JoshLia

APAT na araw na taob sa ratings game ang Onanay serye ng GMA 7 dahil sa bagong teleseryeng Ngayon at Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Base sa nakuha naming ulat ng Ngayon at Kailanman nationwide ratings sa apat na araw dahil wala pa ang Biyernes ay nakapagtala ng mataas na porsiyento ang JoshLia tandem laban sa Onanay simula noong Lunes-31.2% vs 17.3%; Martes-30.5% vs 18.6%; Miyerkules-31.1% vs 17.3%; Huwebes-30.2% vs 18.9% base sa survey ng Kantar Media.

At dahil malaki ang lamang sa nationwide ratings ay naniniwala kaming panalo rin ang NaK sa AGB Nielsen survey research.

In fairness, mas napag-uusapan ang serye nina Joshua at Julia dahil siguro curious ang tao sa acting ng dalawa kaya pinanonood nila ang Ngayon at Kailanman na ang bilis ng takbo ng kuwento dahil sa ikatlong araw (Miyerkoles) umeere ay lumaki na kaagad ang mga karakter nina Joshua (Inno),Jameson Blake (Oliver), at Julia (Eva).

Sayang nga, dalawang araw lang ang exposure ng mga batang nagsiganap na sina Sophia Reola (Julia), Nezzar PitiIlan (Jameson), at Andrez del Rosario (Joshua). Sana sa susunod ay bigyan sila ng mas mahabang exposure dahil mahuhusay silang umarte bukod pa sa mga guwapo at maganda.

Siyempre tiyak na nanonood din ang supporters ng bawat artistang kasama sa NaK tulad nina Iza Calzado, Dominic Ochoa, Christian Vasquez, Rio Locsin, Ina Raymundo, Alice Dixson, at Ms. Rosemarie Gil. 

May narinig kaming biro, ”’am sure pinanonood ni Cherrie (Gil) ang serye ng nanay niya (Rosemarie) n’ya. Eh, magkatapat ang show nila, ha, ha, ha.”

Ang guwapo ni Joshua at mas bumagay ang bago niyang gupit at pananamit bilang young businessman na pinagkatiwalaang pamahalaan ang negosyo ng pamilya nila.

Naghiwalay ang magulang nina Joshua at Jameson dahil hindi nagkakasundo kaya mas dumagdag pa ang bigat sa balikat ng una dahil siya ang naging padre de pamilya nang umalis ang amang si Christian.

Si Jameson ang paboritong anak ni Alice kaysa kay Joshua na simula bata palang ay kinagagalitan na ang huli kaya ang ending, lumaking tamad at walang gustong gawin sa buhay ang una.

Si Joshua ang laging sumasaklolok kay Jameson kapag naiipit siya sa gulo na pati ang babaeng gustong magpakamatay ay ang una ang nagligtas.

Si Eva naman ay lumaking mahirap kaya lahat ng pagkakakitaan ay pinapasok para tulungan ang pamilyang umaruga sa kanya na sobra na niyang mahal.

Nagkita na sina Joshua at Julia sa Binondo habang kikitain sana ng binata ang babaeng negosyante na inirereto sana kay Jameson na ayaw siputin base sa utos ng nanay nilang si Alice. Ang dalaga naman ay hinahabol ang magnanakaw at dito niya nabangga ang binata hanggang sa nabitawan nito ang cellphone na nasalo naman ni Eva (Julia) at hindi kaagad naibalik.

Inakala ni Inno (Joshua) na ninakaw ni Eva ang cellphone kaya ini-report kaagad sa pulis at dahil dito natanggal sa trabaho ang dalaga.

Maraming layer ang kuwento ng NaK kaya kaabang-abang ito na mapapanood sa ABS-CBNpagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsiyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Buy Bust, kumita na ng mahigit P100-M kahit napirata na
Buy Bust, kumita na ng mahigit P100-M kahit napirata na
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …