Friday , May 16 2025
Paulo Avelino Goyo Heneral Luna John Arcilla
Paulo Avelino Goyo Heneral Luna John Arcilla

Goyo, mas malaki kaysa Heneral Luna

KINUNAN ang Goyo: Ang Batang Heneral sa loob ng 60 araw sa loob ng walong buwan sa iba’t ibang lokasyon tulad ng Tarlac, Bataan, Rizal, Batangas, Ilocos at iba pa. Ito ang kompirmasyon nina TBA Studio’s executive producers, Fernando Ortigas at E.A. Rocha ukol sa kung gaano kalaki ang pelikulang pinagbibidahan ni Paulo Avelino kompara sa pelikula ni John Arcilla.

Bukod dito, hindi lamang sa scope at production malaki ang Goyo bagkus pati sa emosyon.

“We expect people to get a terrific ebb and flow of emotion reactions that will deal in an indelible memory or experience,” sambit ni Rocha. ”The Filipino audience can expect a world standard, a world-class cinema I hope they appreciate and realize that we put out the necessary budget and effort to give the Filipino moviegoers the best film that we think they deserve.”

Sinabi pa ni Ortigas na isang epic story ang Goyo kaya, ”We had to give Jerrold (Tarog) his vision.We knew from the beginning that Goyo had to be much bigger than Luna. As the producers, whatever Jerrold needed for the set, it was there.”

Napag-alaman naming para masunod ang vision ng director nitong si Jerrold Tarog, kinailangan nilang kumuha ng mahigit 2,000 talent at cast at gumawa ng buong movie set na maghihitsurang 1800 ang Tarlac.

Nang tanungin naman kung bakit importanteng maihayag ang kuwento ni Gregorio del Pilar, sinabi ni Jerrold na, ”In many ways, ‘yung kuwento ni Goyo, para siyang a call to critical thinking. Kinukuwestiyon niya ‘yung sarili niya, kinukuwestiyon niya kung bakit ginagawa ito. And in a way, ‘yun din ‘yung magiging tanong ng audience kapag lumabas sila ng sinehan.”

Idinagdag pa ni Jerrold na, ”Ano ba talaga ‘yung ipinaglaban ni Goyo? Pag-ibig ba? Si Aguinaldo ba? O ‘yung bayan? I think magandang pag-isipan ‘yun niyong audience, especially ng kabataan.”

Bukod kay Paolo, bida rin dito sina Gwen Zamora bilang Remedios Nable Jose; Empress Schuck bilang Felicidad Aguinaldo; Carlo Aquino bilang Col. Vicente Enriquez; at Rafa Siguion Reyna bilang Col. Julian del Pilar.

Kasama rin sina Mon Confiado bilang si Pres. Emilio Aguinaldo; Epy Quizon bilang Apolinario Mabini; Arron Villaflor bilang Joven Hernando; Alvin Anson bilang Gen. Jose Alejandrino; Art Acuna bilang Manuel Bernal; Ronnie Lazaro bilang Lt. Pantaleon Garcia; Perla Bautista bilang Dona Trinidad Aguinaldo; at Benjamin Alves bilang Lt. Manuel Quezon.

Magkakaroon ng Gala Premiere Screening ang Goyo sa Agosto 30, Huwebes, sa SM Megamall at mapapanood naman ang pelikulang ito sa Setyembre 5 at mayroong special limited theatrical release sa ilang piling sinehan sa Agosto 29.

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


I didn’t want to be labeled EPAL — Kris
READ: I didn’t want to be labeled EPAL — Kris
Darren, nag-workshop para sa The Hows Of Us
Darren, nag-workshop para sa The Hows Of Us

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Child Haus 2025

Taunang Gift Giving and Feeding project ng TEAM sa Child Haus, matagumpay!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING matagumpay ang taunang outreach project ng TEAM (The Entertainment …

Dingdong Dantes Charo Santos-Concio PBB

Charo at Dingdong pumasok sa PBB

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pagpapatuloy ng weekly tasks ng housemates kaugnay ng The Big Carnival charity …

Bong Revilla

Supporters ni Bong nasaktan sa pagkatalo, ‘di pagkasama sa Top 12

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang nagtataka kung bakit binura o tinanggal ni  Bong …

Willie Revillame Will to Win

Willie ‘di pa raw makausap, kasamahan sa production kanya-kanya nang hanap ng raket

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BALITANG nagsisintir pa rin at hindi makausap ng maayos si Willie Revillame matapos nga …

Bong Revilla Jr

Bong kahanga-hanga, pagkatalo maagang tinanggap 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPASALAMAT na si Senator Bong Revilla, Jr. sa mga bumoto sa kanya. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *