Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn napag-uusapan na ang kasal

NAUSISA namin agad sa isa sa mga pwede na nilang pagplanuhan ni Kathryn Bernardo sa personal na buhay nila si Daniel Padilla.

Ang kasal.

“Napapag-usapan na rin naman po namin. Soon. Pero hindi na kung 30 na ako. Earlier pa. I am 23 now. Kasi may tinatapos pa akong pag-ipunan. Gusto ko ‘pag dumating na ang panahon na ‘yun kuntento na ako sa budget. Kulang pa,” lahad ni Daniel.

At gaya nga sa mga eksena nila sa bago nilang pinagtatambalan sa Star Cinema na The Hows of Us, nangangarap ang mga karakter nila bilang magkarelasyon sa Cathy Garcia Molina project.

“Magkaiba kami ng gusto ni DJ. Ako gusto ko sa beach. Anywhere here. Basta intimate lang. Kasama ang immediate family and relatives and friends.”

While si DJ?

“Sa simbahan. Pero kailangan present lahat ng fans namin. Manonood lang sila. Walang picture picture. Kasi, nakasama naman namin sila sa buong journey ng pagmamahalan namin. Kaya dapat lang na naroon din sila para ma-witness ito.”

Willing munang umalalay si DJ kay Kathryn sa shoot nito ng movie na ‘di siya kasama with Sharon Cuneta and Richard Gomez na si direk Cathy pa rin ang mamamahala.

“Masakit po sa akin na hindi ko na kasama si DJ. Pero sabi niya madalas siya dadalaw. Siyempre wala na akong kausap. Wala na akong masusumbungan o masasabihan ng mga mangyayari sa akin.”

Open naman na si DJ sa katotohanang at one point eh, hindi na sila magkakasama ni Kathryn as part of a loveteam.

“Experimental din naman. Kasi hindi naman pwedeng laging kami. May nakikita dapat na bago sa amin. Kung may dream project ako, it would be a psychological thriller na horror. ‘Yung ‘di mo alam kung ano siya. Parang Jack Nicholson sa ‘The Shining’. ‘Yung akala mo tao pero multo.”

Sa Agosto 29 na matutunghayan sa mga sinehan ang The Hows of Us na kasama rin in his first acting project si Darren Espanto, Alwyn Uytingco, Susan Africa, Juan Miguel Severo, at Kit Thompson.

Level up uli ang KathNiel!

HARD TALK!
Pilar Mateo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …