Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Rhea Tan Beaute­Derm
Arjo Atayde Rhea Tan Beaute­Derm

Arjo Atayde, likas ang husay bilang aktor

SA tuwing napapanood namin si Arjo Atayde, lagi kaming bumi­bilib sa galing ng actor. Mula pa nang una naming makita ang paglabas niya sa MMK, ilang taon na ang nakalilipas, hanggang sa astig na performance niya sa Ang Pro­binsyano bilang isa sa kontrabida ni Coco Martin, sadyang likas ang husay ni Arjo bilang actor.

Kailan lang ay muling ipina­malas ni Arjo ang kanyang hu­say sa pelikulang Buy Bust na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Hindi na namin babanggitin ang papel dito ng tisoy na Kapamilya actor dahil ayaw naming maging spoiler. Muling ipinalalabas kasi ngayon ang Buy Bust after ng Pista ng Pelikulang Pilino.

Susunod na mapapanood ang guwapitong anak ni Ms. Sylvia Sanchez sa star-studded na seryeng The General’s Daughter ABS CBN. Tampok din dito sina Angel Locsin, Maricel Soriano, Ryza Cenon, Eula Valdez, Janice De Belen, Tirso Cruz III, Albert Martinez, at marami pang iba.

Base sa nasagap naming balita, si Arjo ay gaganap na anak ni Maricel sa naturang serye. May autism ang karakter dito ni Arjo kaya panibagong challenge na naman ito para sa aktor. Ayon kay Arjo, nagsimula na silang mag-taping sa The General’s Daughter.

“Okay naman po. Nag-start na po kami. We’re airing hopefully very, very soon. Wala pang playdates, but let’s see. Soon naman daw,” saad niya.

Sino na ang nakaeksena niya rito? “Si ‘Nay Maricel at saka si Angel, saka marami pang artista,” pakli ng guwapitong anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

Saad niya, “Magaling silang pareho e, so I’m very thankful na nabigyan ako ng oportunidad na makasama sila sa teleserye.”

Sinabi rin ni Arjo na lagi niyang ibinibigay ang lahat nang makakaya sa bawat project na ginagawa. “I always give my best no matter what role. It’s not a question. Pero more than giving my best, hindi ko kailangan umarte kasi mas magaling ‘yung kasama ko. Bigay nang bigay lang sila, receive nang receive lang ako,” saad niya ukol kina Maricel at Angel.

Bukod sa pelikula at tele­serye sa ABS CBN, ang isa pang pinagkaaabalahan ni Arjo ay pagiging brand ambassador ng BeauteDerm na pag-aari ng CEO nitong si Ms. Rhea Tan. Actually, mayroong sariling Origin Perfume Series na Alpha, Radix, at Dawn si Arjo na kanyang ipinagmamalaki.

Kabilang si Arjo sa Beaute­Derm ambassadors na sina Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Alma Concepcion, at Shyr Valdez na present sa opening ng 24th branch ng BeauteDerm na tinawag na Beaute­Finds by BeauteDerm owned and managed by Ms. Kathryn Ong. Located ito sa Unit 307, TNA Building, #17 J. Abad Santos St., Brgy. Little Ba­guio, San Juan City.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …