Monday , October 25 2021
Rhea Anicoche Tan Korina Sanchez Beautederm
Rhea Anicoche Tan Korina Sanchez Beautederm

Korina Sanchez, bilib sa Beautederm CEO na si Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

STAR-STUDDED ang naging episode ng BD TV Live sa Beautederm FB page. Bilang bahagi ng BEAUTéDERM’s spectacular Royale Beauté 12th anniversary celebration, naging guests dito ang mga Beautederm babies na sina Ms. Korina Sanchez, Bea Alonzo, at Marian Rivera.

Hosted by Darla Sauler, kumanta rin dito si Luke Mejares. Ang dalawa ay kapwa Beautederm ambassadors.

Nabanggit ni Ms. Korina na nagsimula siya sa Beautederm bilang brand ambassadress. Pero after that, nagkaroon siya ng dalawang store dahil na rin sa paghihikayat sa kanya ng CEO at President nitong si Ms. Rhea Anicoche Tan.

Matatagpuan ang dalawang stores ni Ms. Korina sa Ali Mall sa Cubao, Quezon City at Star Mall sa Mandaluyong City.

“So, I’m very happy, it’s a very happy and productive family itong Beautederm family. And siyempre, malaking bagay niyan ay dahil sa mga tulad mo na mga Beautederm babies and of course ang nanay nating lahat na si King Rei Tan,” saad ni Ms. Korina sa pakikipagtsikahan kay Darla.

Ano ang kanyang greatest moments with Beautederm at kay Ms. Rhea?

Esplika ng premyadong TV host, “You know, I’m a big fan of Rei, I’m a big fan of any woman who really breaks the glass ceiling, who shatters that glass ceiling… Na parang, bakit bawal ba ang mangarap, bawal bang abutin ang pangarap?

“Imagine, si Rei was a disc jockey sa radio, sa Baguio ba iyon? Ikinukuwento niya sa akin ‘yung journey niya na nagtitinda siya ng Abel Iloco, diyan sa Vigan, may tindahan sila diyan. Tapos, naging marketing manager siya, sa appliances ba iyon?

“Itong pagsisimula niya ng negosyo niya, parang sideline lang niya dati, parang naglalaro lang siya for added income. Kaunti lang ang puhunan, pero dahil kinarir at ginalingan niya talaga, eto na, hanggang she decided to leave her day job at lahat ng karanasan niya bilang marketing person ay ipinasok niya rito. Na sa una ay maliit lang na puhunang negosyo, hanggang sa palaki nang palaki nang palaki.

Ikinukuwento niya, pinagtatawanan pa raw siya dati…”

Pagpapatuloy pa ni Ms. Korina, “So, your question is paano iyong great moments mo…  I think it’s really just about knowing about her life story na at such a young age, she made it quite big and ang dami niyang natutulungan ngayon. And even in the midst of a pandemic, nagbubukas pa rin siya ng mga store.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘O. natuto ka sa akin sa pagbo-broadcast… ngayon, ako naman ang matututo sa iyo sa pagnenegosyo’. At saka hindi ba, promoting good products like the  Beautederm  products…

“Aside from that, amazed ako sa the few times when she was getting me the stocks ng K-llagen. Nakakagulat siya, kasi talagang pupuntahan ka niya sa bahay para ipaliwanag sa iyo ‘yung produkto at tuturuan ka pa niya kung paano ito i-market.

Ipapaliwanag niya ang bawat ingredient na pumasok doon sa produkto and then mayroon pang back and forth iyan kung, ‘Okay na ba ito Ms. K? Kasi you’re going to endorse this, so, kailangang you believe in the product, yourself’.

“You know, she’s such a generous person, she’s so supportive. More than a business person, I think she’s just really a superior brand of human being… hindi maramot, hindi inggitera, hindi naninira… basta trabaho lang nang trabaho at saka puro positivity ang buhay niya,” saad pa ni Ms. Korina sa lady boss ng Beautederm.

Nagbigay din siya ng message kay Ms. Rhea at sa lahat ng mga bumubuo ng Beautederm family.

“Well, I think on the 12th anniversary of Beautederm and this is really Rhea Tan’s baby, from a simple dream to a huge-huge reality that has also become a simple dream to a huge reality for so many, ang dami, ang daming natutu­lungan… So in twelve years of operations, you are a living testimonies of the fact that there is nothing that can take the place of hardwork, kayo ang nagpapatotoo niyan,” nakangiting saad ng host ng Rated K.

Bilang reaction naman sa naturang panayam, ito ang IG post ni Ms. Rhea: 

To hear my idol say such inspiring things about me fuels my soul to dream bigger and it energizes my heart to work even harder. Words cannot express how profoundly moved I am to have you in my life Ma’am Korina. You epitomize what a strong, independent, beautéful woman could be and I am honored to have you as a Brand Ambassador and I feel Blessed to have you as a friend. You said nothing beats hard work and like you, I am determined, more than ever, to work even harder everyday to help change other people’s lives — Thank You So Much Idol! I love You Ma’am! @korina

About Nonie Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla opisyal ng mag-asawa

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL ng mag-asawa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit makulimlim ang panahon, natuloy …

Ara Mina, Dave Almarinez

Ara suportado ang asawang si Dave Almarinez

I-FLEXni Jun Nardo ITINAYA ni Ara Mina ang pangalan niya na hindi magsisisi ang mamamayan sa lone …

Blind Item, Men

Male starlet pinagpasasaan ng sakrekwang kalalakihan

NAGULAT kami roon sa nakita namin sa aming newsfeed noong isang araw sa isang social media …

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding

Kasalang Tom & Carla napaka-pribado

HATAWANni Ed de Leon MAGKASAMA ang dating mag-asawang sina Rey PJ Abellana at Rea Reyes, sa paghahatid sa …

Mel Sarmiento, Kris Aquino

Kris Aquino inalok na ng kasal ni dating DILG Sec Mel Sarmiento

ni MARICRIS VALDEZ NAGULAT ang lahat sa bagong pasabog post ni  Kris Aquino sa kanyang Instagram, ito ay …

Leave a Reply