Friday , October 25 2024
PJ Abellana
PJ Abellana

PJ Abellana lagare sa mga serye

SA kabila ng pandemya, sa isa pang set ng Kapuso o GMA7para sa susunod na  teleseryeng aabangan, gaya ng Lolong na kinunan sa Villa Escudero sa Quezon, lumarga rin ang unit ng I Left My Heart in Sorsogon sa Kabikulan ng halos isang buwan.

Sari-saring tsika naman ang kumawala dahil sa bida nitong si Heart Evangelista na kabiyak ng puso ng kasalu­kuyang Gobernador doon na si Chiz Escudero.

Natural, ikakabit sa usaping politika.

Pero, nag-enjoy lang ang cast and crew ng serye na makakasama ni Heart bilang leading man niya si Richard Yap. Kasama rin si Paolo Contis

Nasa cast din sina Isay Alvarez, Rey Abellana, Shamaine Buencamino, Mavy Legaspi at marami pa.

Kahit napawalay ng matagal sa mga pamilya nila, gaya ni Rey, masaya ito dahil sa trabahong ibinibigay sa kanya ng Viva management niya. 

After nitong I Left… may isa pang dramang inihahanda ang Viva na kasama siya at natapos na rin siya sa Encounter. Nang umuwi siya, kailangan naman niyang alagaan ang kapatid na si Martin na inoperahan sa mata sa tahanan nila ng kanyang pamilya. Kaya basta may trabaho, malayo man o malapit ay tatanggapin niya. 

Natutuwa naman ang negosyante sa tunay na buhay na si Richard dahil tila may magandang dating ang salitang PUSO sa kanya.

Mula sa Be Careful With My Heart hanggang sa Sana Dalawa Ang Puso, a guesting in Precious Hearts Romances sa telebisyon at sa  pelikulang Achy Breaky Hearts (2016), ito na siya sa I Left My Heart in Sorsogon sa Kapuso.

Pusuan na natin ang mga palabas na ito! Fan din ako. Ni Richard Yap! Charos!  

(PILAR MATEO)

About Pilar Mateo

Check Also

Jolina Magdangal Marvin Agustin

Jolina excited sa muling pakikitambal kay Marvin

MATABILni John Fontanilla TINIYAK ni Jolina Magdangal na matutuloy na reunion movie nila ni Marvin Agustin. Nakipag-meeting na …

Nora Aunor

Pagmamaktol, pamimintas ng Noranians lumalatay kay Nora

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ‘YUNG mga nagmamaktol na supporters ni Nora Aunor, manong magtigil na nga …

Bagyo Kristine

Bicol region binayo nang husto ni Kristine

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MATINDI ang pinagdaanan ng Bicol region nang dahil sa bagyong Kristine. Marami …

Kobe Paras Francis Arnaiz

Kobe Paras mala-Francis Arnaiz ang dating

HATAWANni Ed de Leon TALAGA namang sa ngayon isa si Kobe Paras doon sa mga eligible bachelor …

Gerald Anderson Angel Locsin Nora Aunor Marco Gumabao

Angel, Gerald nami-miss sa mga ganitong kalamidad; Nora, Marco maramdaman kaya sa Bicol?

HATAWANni Ed de Leon GRABE ang nangyari sa Bicol dahil sa bagyong Kristine. Ang daming baha …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *