Saturday , November 2 2024
Stab saksak dead

Mister utas sa saksak ni misis

SINAKSAK at napatay ng isang ginang ang kan­yang asawa nang magtalo sa kanilang tahanan sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, C/Supt. Joselito Esquivel, Jr., ang biktimang si Rannie Calpito Tomas, 47, meka­niko, at residente sa Ruby St., ROTC Hunters, Brgy. Tatalon, ng nabanggit na lungsod.

Nakatakas ang suspek na si Marynor Mina.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon dela Vega, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 1:40 am nang maganap ang krimen.

Ayon kay Imelda, kapatid ng biktima, nagi­sing  siya dahil sa pagta­talo ng mag-asawa.

Pagkaraan, narinig niyang humihingi ng saklolo ang kapatid kaya agad niyang pinuntahan.

Nagulat si Imelda nang makitang hawak ng biktima ang kanyang tiyan habang umaagos ang dugo ngunit wala na ang misis niyang si Marynor.

Agad tinawag ni Imel­da ang kanilang nanay na si Aling Juliana at isinu­god sa Delos Santos Hos­pital ang kapatid ngunit binawian din ng buhay.

Narekober sa pinang­yarihan ng insidente ang 10 pulgadang kutsilyo na ginamit ng suspek sa krimen. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *