Saturday , November 2 2024
NAIA plane flight cancelled

MIAA officials huwag sisihin

READ: Memo ng PCOO babala sa mga aksiyong pasaway ng kanilang mga opisyal

LIBO-LIBONG pasahero ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagkabalaho ng Xiamen Air nitong nakaraang Biyernes sa runway ng nasabing paliparan.

Dahil nakabalaho sa runway, natural maraming eroplano ang hindi nakaalis at nakansela ang flights. Habang ang mga dumarating naman ay sa Clark International Airport (CIA) pinalapag.

Ang resulta, napuno ng mga pasahero ang NAIA at CIA, dahil maraming pasahero ang ayaw nang bumalik pa sa kanila at naghintay na lang na makabalik ang normal operation sa airport.

Ang siste, habang namamalagi sila sa NAIA, hindi naman sila inasikaso ng mga eroplanong kanilang sasakyan.

Supposedly, kargo ng airlines kung saan nila ilalagay ang kanilang passengers para hindi magmumukhang miserable ang kalagayan.

Pero ang nakapagtataka, mukhang nalimutan ng ilang airlines ng kanilang pangako sa mga pasahero.

Karamihan ng mga umaangal ay pasahero ng Philippine Airlines (PAL). Hind raw nila akalain na ganoon ang magiging kalagayan nila.

E kaya nga sila personal na bumili ng tiket sa mga airline company na ‘yan para protektado sila.

Ang siste, nang magkaroon ng aberya, nalimutan na sila.

Sawang-sawa na tayo sa ‘press release’ ni Ms. Cielo, pero sa totoo lang, hindi natin nakita ang PAL na nagpakita ng concern sa kanilang mga pasahero lalo na sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na alalang-alala dahil wala na­man silang baon na malaking halaga at hindi nila kayang umorder nang umorder ng pagkain sa mga food establishment sa loob ng NAIA.

Hindi rin natin maintindihan kung bakit ma­rami ang galit na galit sa MIAA officials gayong hindi naman sila nagpabaya at hindi naman nila gusto na mabalaho sa runway ang Xiamen Air.

Kung mayroon mang may kasalanan, bakit hindi muna magtulungan para maiahon ang nabalahong aircraft saka magkaroon ng assess­ment, maglabas ng official statement saka pana­gutin kung sino ang dapat managot.

Kahit naman sisihin nang sisihin ang MIAA or CAAP officials, may mangyayari ba kung walang kikilos?!

Tumulong at umaksiyon, huwag namang puro bibig at laway lang.

‘Yun ‘yon e!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *