Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joel Cruz, pinaratangang tax evader

READ: TNT Boys, Grand Winner sa Your Face Sounds Familiar Kids

GRABE ka Joel!”  ito ang tinuran ni Kathelyn Dupaya, Brunei based businesswoman kahapon nang banggitin nito ang pagiging tax evader ni Joel Cruz, may-ari ng Afficionado.

Sa binasang statement ni Dupaya, sinabi nitong hindi nagdedeklara ng tamang tax ang Lord of Scent kaya naman may P6.4-B tax liability ito.

“Hindi pa rito kasama ang sinasabi niyang international sales sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, Brunei at iba pa.

“At alam n’yo ba na ang total na binayaran lamang ng Central Affirmative Co., Inc., (CACI), kompanya ni Cruz, sa loob ng 10 taon ay P14,807,987.19. Kaya pala ganoon siya kayaman,” sambit ni Dupaya sabay panawagan kay BIR Commissioner Cesar Dulay na tingnan ang bagay na ito.

Sinambit pa ni Dupaya na ayon sa isinagawa nilang research, ang state of the art factory ni Cruz, ang Sterling Industrial Park na nasa Meycauayan, Bulacan ay hindi nakarehistro sa BIR.

Maging ang Forest Lodge Hotel ni Cruz sa Baguio ay may kuwento rin si Dupaya.

“Ang mansion ni Joey ginawang tourist spot sa Baguio na bago ka makapasok sa loob at mag-tour ay kailangang bumili ng pabango worth P250 parang entrance pero walang receipt na ibinibigay.

“Sa loob ng mansion, may hotel ito sa loob na ang pangalan ay Forest Lodge Camp John Hay at si Joel Cruz ang may-ari. Mahal ang per day, P8,900.00 pero walang resibo,” kuwento pa ni Dupaya.

Kinuwestiyon din ni Dupaya si Cruz kung paano ito nakabibili ng mga mansion gayung wala itong income. Ang tinutukoy na nabili ng negosyante ay ang Canyonwoods sa Batangas, Manila, at Baguio, ang Chino Hills sa California, USA, ang Beach house sa USA, at isang building sa USA.

“Alam n’yo bang si Joel Cruz ay nag-stop mag-file ng income tax noong 2010 pa? Ibig sabihin, hindi siya nagpa-file ng income tax,” giit pa ni Dupaya.

Kasunod nito, nanawagan din si Dupaya kay Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, ”Presidente Duterte, ito ang hinahanap mong tax evader. Billion-billion ang nawawala sa Pilipinas dahil sa tax evader na kagaya ni Joel Cruz.

“Commissioner Dulay, ikaw na ang bahala kay Joel Cruz,” pagtatapos ni Dupaya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …