Friday , November 22 2024

Viral na tigas ng ulo ng ilang motorista huwag gayahin

READ: Philippine Sports todong suportado ni Alan Cayetano

MUKHANG nagiging notorious ang bilang ng ilang mga motorista na sumasakit ang ulo ng mga traffic enforcer.

Nitong mga nakaraang linggo, talagang marami ang nabuwisit sa isang babae na noong naglaon ay nabatid na isang fiscal pala.

At hindi lang siya nag-iisa…

Ngayon, hindi lang sa social media sila pinagpipiyestahan kundi maging sa ibang website na naka-upload ang kanyang inasal laban sa mga kagawad ng MMDA.

Aba kung anong tapang ni ate, siya namang amo niya sa kanyang post na siya ay nagso-sorry sa social media.

Maririnig din sa video na nagsumbong ang isang enforcer kay MMDA Special Operations Group head Bong Nebrija na binunggo raw siya. Sumagot naman ang babae: “Oh, iiyak ka na? Iyak ka na, sige.”

Mapapanood si Nebrija na sinusubukang ipaliwanag sa babae ang traffic regulation habang patuloy nitong inaantala ang pagpa­paliwanag sa opisyal.

Tumanggi ang babae na ibigay ang kaniyang lisensiya nang hingin ito.

Dumating din sa eksena ang mister ng moto­rista na nagbantang pananagutin ang mga opisyal sakaling makunan ang kaniyang buntis na misis.

Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, inireklamo nila ang babae sa Land Transportation Office (LTO) para masuspende o mabawi ang lisensiya nito.

“Gumawa kami ng complaint sa LTO… na baka puwede ma-suspend ‘yong license niya dahil nga sa ganoong attitude, o i-revoke pa. Nasa wisdom na ng LTO kung ano gagawin nila diyan.”

Hinimok ni Garcia ang mga motorista na iwasang makipagtalo sa mga enforcer.

Sabi niya: “Iyong simpleng traffic violation po, huwag na kayong makipag-away, ibigay n’yo lang po iyong lisensiya ninyo, titiketan kayo, tapos na.”

E bakit nga ba ayaw pang magpatiket kung talagang  may violation naman?!

Kung naging mahinahaon sana si ‘Madam Fiscal’ hindi na sila na-bash sa social media.

Sana’y maging aral sa lahat ang karanasang ito ni Madam Fiscal.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *