READ: LTFRB Region 4 official may tagong yaman
READ: Palpak ang Prime Waters sa San JoseDel Monte
SA pagpapahayag ng kanyang labis na pagkadesmaya sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na parang gusto niyang magbitiw sa puwesto.
Pero… may isang malaking pero… ayaw niyang si VP Leni Robredo o Mader Leni ang humalili sa kanya para maging presidente.
In short, bokya kay tatay Digong si Mader Leni.
Mas gusto raw niyang ang pumalit sa kanya ay si dating senador Bongbong Marcos o kaya si senador Chiz Escudero.
Ay sus!
Sabi nga niya, mas gusto pa niyang magkaroon na lang ng military junta kaysa humalili sa kanya si Mader Leni.
E siyempre allergic ang mga ‘makabayan’ sa militar kaya rumepeke na naman ng mga puna at batikos laban sa ideya ng Pangulo.
At kapag may rumerepekeng ‘makabayan’ siyempre mayroong ‘makikiuso.’ Natural na lumahok ang mga yellowtards lalo na kung military junta ang pinag-uusapan.
Federalismo nga lang, allergic na sila, military junta pa kaya?!
Anyway, isa lang naman ang gustong sabihin ng Pangulo, ginagawa niya ang lahat para sugpuin ang korupsiyon, sana naman ay suportahan siya ng mga nagsasabing sila’y nagmamahal sa bayan.
Oo nga naman.
Magkaiba man sila ng paniniwalang pampolitika, hindi ba puwedeng suportahan nila ang matinong kampanyang isinusulong ni tatay Digong?!
‘Yan tuloy, parang maagang nakakaramdam ng pagkapagod ang Pangulo.
Aba pumapasok pa lang ang kanyang administrasyon sa ikatlong taon, mahaba pa ang laban.
Ano nga kaya ang mangyayari kung biglang magbitiw ang Pangulo?!
Wait and see na lang ba talaga?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap