READ: Mocha, ‘di pa tapos sa ‘pepe-dede-ralismo’
SA September 28 sa Smart Araneta Coliseum gaganapin ang Ruby (40 years) na selebrasyon ni Sharon Cuneta.
Tatlong bigating musical director lang naman ang napisil ni Sharon sa likod ng mga awiting ihahatid ng mga bigatin din niyang panauhin.
A quick glance though sa mga pangalan ng mga musical director na ito ay isang rebelasyon para sa amin.
Teka, bakit wala ang pangalan ni Rowell Santiago na rati na ring nagsilbing director ni Sharon bukod sa naging ex-boyfriend pa rin niya ito many years ago?
Anyway, how time flies. Forty years nang nananatiling namamayagpag ang career ni Sharon sa showbiz both as a singer and an actress.
Tandang-tanda pa naming noong 11-12-anyos pa lang ang nakababatang kapatid ng aming kamag-aral sa hay-iskul, si Cesar (may palayaw na Chet).
Practice namin ‘yon sa commencement exercises sa loob mismo ng simbahan ng Catholic school na aming alma mater.
Walang ginawa si Sharon kundi maglikot at tumakbo sa paligid. Hanggang isang araw, taong 1978 ‘yon, nang umalingawngaw na sa himpapawid ang kanyang first single, ang Tawag ng Pag-ibig.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III