Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reklamo ni Dingdong naging issue, dahil sa taas ng ratings ng Probinsyano

READ: KathNiel movie, ie-exhibit sa iba’t ibang bansa

EWAN, pero para sa amin hindi malaking issue iyong reklamo ni Dingdong Dantes doon sa  Ang Pro­binsi­yano. Siguro naman iyang ABS-CBN, para matapos na lang ang usapan, humingi ng dispensa.

Maski noong araw naman, sa mga pelikula ganoon. May kailangang props na litrato, guma­gawa talaga sila ng picture. Halimbawa kasal, huwag ninyong sabihing gagastos pa sila sa pictorial at damit na pang-kasal eh picture lang naman iyong bahagi ng props. Iyong propsman talagang gagawa na lang ng paraan. Ayun nga, papalitan na lang ang mukha. Sabihin ng propsman sa EP na kailangan niya ng pictorial at costume rental para sa props lang kung hindi siya dagukan ng EP, at iyong artista papayag bang mag-pictorial pa para sa props?

Kaya nga lang naging issue at napansin dahil napakataas ng ratings niyang Probinsyano. Isipin ninyo, iyong fans pala nina Dingdong talagang nanonood din ng Probinsiyano kaya napansin nila iyon eh. Para mapansin mo iyong props lamang, aba eh talagang attentive ka sa panonood at wala kang detalyeng pinaliligtas.

Ibig sabihin niyan, talagang matindi ang nanonood ng Probinsiyano, at pati fans ng ibang mga artista ay talagang nakatutok sa panonood ng serye nila. Dahil diyan naniniwala kaming napakataas nga ng ratings ng Probinsiyano.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …