Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, sobrang kinikilig kay Alice 

READ: Grade na A ng Bakwit Boys, may dahilan

SA Ngayon at Kailanman mediacon ay naikuwento ni Alice Dixson na nagtataka siya kay Joshua Garcia kung bakit naiilang sa kanya ang batang aktor at hindi siya kinakausap sa set.

Mag-ina ang karakter nina Alice at Joshua sa launching serye nila ni Julia Barretto na mapapanood na sa Lunes, Agosto 20 mula sa Star Creatives.

Kuwento ni Alice nang tanungin siya kung kumustang katrabaho ang mga batang artista ngayon tulad ni Joshua.

“So far, Joshua has been very quite sa akin, naiilang pa yata, eh. But he’s role naman talaga is sort of very soft-spoken, young man and ako naman ay quite abrasive na madali akong magalit sa kanya, so parang napapatahimik na rin siya and hindi pa kami nagkukuwentuhan sa set kaya maybe I’ll find out why naiilang siya and I don’t know if he’ll open up to me,” kaswal na sagot ng magandang aktres.

Hindi naman makapagsalita si Joshua noong tanungin siya kung bakit siya naiilang kay Alice.  Huminga muna ang aktor at sabay sabing, ‘gusto ko ‘yung vibe ni Ms Alice, masayahin siya. Cute siya kapag nagsasalita.”

Natawa ang lahat sa sinabing ito ng ‘Baba’ ni Julia at tila kinilig pa ang batang aktor kaya natanong tuloy kung crush niya si Alice.

Kaya kinuha na ni Julia ang mikropono at nagpaalam kay Joshua na ikukuwento niya ang isang pangyayari na umaayaw ang una, pero napilit din.

“May isang taping day na maaga akong na-pack up tapos pauwi na ako tapos nag-text siya, excited siya sabi niya, ‘pack-up na, I just finished the scene with my girlfriend.’

Sabay hiyawan ang lahat ng tao sa Dolphy Theater kaya lalong namula si Joshua.

Sa pagpapatuloy ni Julia, ”may girlfriend ba siya sa story? Ano bang sinasabi nito. Girlfriend!” at saka naisip ng aktres na, “girlfriend niya si Ms Alice? Oh my God! Joshua is so kinikilig, he’s very appreciative talaga kay Ms Alice! Noong nalaman niyang magiging mommy niya (kuwento), sobrang kinikilig siya sa paa.”

Naikuwento rin ni Jameson Blake na sinabi sa kanya ni Joshua, ”ang ganda talaga ni Ms Alice Dixson ‘no?”

Natatawang nailing naman si Alice dahil crush pala siya ng aktor, ”(how) sweet. You’re so sweet, don’t be embarrass. At kung tawag niya sa akin girlfriend? Anong tawag niya kay Julia?”

Pagkatapos ng presscon ay tinanong si Alice kung ano ang masasabi niya ngayong alam niyang crush pala siya ni Joshua at kung ano ang pakiramdam?

“Nakakabata ng pakiramdam, pero may conscious kapag masyadong bata, ha, ha, ha. Flattering naman kasi I find that scenario is cute kasi anak ko siya sa soap, what else would it be but sweet,”masayang sabi ng aktres.

Nag-guest si Joshua sa Tonight with Boy Abunda at natanong si Alice kung ano ang masasabi niya sa binate?”Joshua, it’s me your mom, I wish you well and gagalingan natin sa mga eksena and if you need anything just let me know, give me a call, text me. Enjoy our show.”

Anyway, bukod kina Alice, Jameson, Julia, at Joshua ay kasama rin sa Ngayon at Kailanman sina Iza Calzado, Ronnie Lazaro, Joao Constancia, Dominic Ochoa, Ina Raymundo,  Christian Vasquez, Ochoa, TJ Trinidad, at Rio Locsin.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …