Monday , December 23 2024

Kristine, limang taon nang may offer sa Star Creatives

READ: Ria at Arjo, magbabakbakan sa MMFF 2018

SAYANG at wala si Kristine Hermosa sa Bagani finale mediacon nitong Sabado na ginanap sa 9501 dahil ang gaganda ng mga sinabi sa kanya nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ginampanan ni Kristine ang karakter na Malaya na nalamang kontrabida pala sa mga Bagani dahil noong una ay akalang kakampi.

Anyway, tinanong sina Liza at Quen kung kumusta ang pagtatrabaho nila ni Kristine na hindi nagkakalayo ang ganda nila.

“The first time I saw her was the really first time I saw her up-close, na-mesmerize talaga ako, sabi ko ‘oh my God ang ganda niya!’ 

“Parang ayoko siyang tabihan kasi akala ko rati maputi ako, pero kapag katabi ko siya as in grabe ‘yung kutis niya ang ganda, ang kinis, ang ganda-ganda niya, makinis as in tapos magaling pa siyang umarte, she’s very professional kasi iisipin mo she’s not been accepting projects na ibinibigay sa kanya in years na kaya nagulat kaming lahat when she accepted the offer and of course iniisip ko na, ‘ay baka nakatatakot siyang ka-eksena baka nanglalamon’ but no, she knows how to give way to her co-actors as well and siyempre may mga mabibigat na scenes din ako with her and she was really allowing me to take my time to really feel the emotions that I was supposed to feel for the scenes,” mahabang kuwento ni Liza.

Sabi naman ni Enrique, ”she’s a sweetheart, she’s amazing! She’s good and I remembered I told her na, ‘alam mo ba ‘yung lola ko na favorite siya, super favorite sila ni Echo, Echo-Tin.  Sayang nga lang na hindi na niya nakita (napanood) na nakasama ko si Tin sa teleserye.  She’s really amazing, she’s a sweetheart.”

Samantala, ang paliwanag naman ng business unit head ng Bagani na si Ms Des Tanwangco sa pagpasok ni Kristine.

”We’ve been trying to convince Kristine to Star Creatives siguro mga five years ago pa. So surprisingly when we presented the role of Malaya, ako rin nagulat kasi tinanggap niya ‘yung kontrabida role. Five teleseryes na rin ang in-offer namin sa kanya pero hindi niya tinanggap kaya nagulat talaga ako rito na tinanggap niya itong ‘Bagani.’  At saka very happy naman siya (Kristine),” pahayang ng TV executive.

Anyway, abangan ang buong linggong episode ng Bagani sa pakikipaglaban nila para mailigtas ang Sansinukob mula sa pagkawasak nito dahil sa halimaw na nananalaytay sa loob ng katawan ni Ganda.

Patuloy na naglalakbay sina Ganda at Lakas para hanapin ang Puso ng Sinukuan, na nananatiling mailap.

Isasakripisyo ba nina Lakas, Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Morales), at Liksi (Zaijian Jaranilla) ang buhay ng kapwa nila Bagani para sa ikabubuti ng Sansinukob?

Nagpapasalamat ang Team Bagani dahil simula umpisa ay hindi binitiwan ng manonood ang programa hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos at nakuha nito ang all-time high national TV rating na 36.2% noong Abril 17 base sa datos ng Kantar Media.

Trending din ito sa opisyal na hashtag ng episode sa Twitter. Ito rin ang ikalawang pinakapinag-usapang teleserye sa bansa sa unang anim na buwan ng 2018, ayon sa Twitter Entertainment Index, ang listahan ng mga pinaka-pinag-uusapang paksa sa naturang social networking site.

Mayroon ding online na bersiyon ang Sansinukob sa Bagani World, na may tsansang maging mga bayani ang mga maglalaro. Isasara na ito pagkatapos ng programa ngunit maaaring balikan ang mga kuwentong Sansinukob sa BAGANI: Beyond Sansinukob ng NoInk, ang online reading platform ng ABS-CBN.

Kaya abangan ang huling linggo ng Bagani para malaman kung ano ang kahihinatnan ng Sansinukob at ng mga bayani nito.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *