Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Catriona Gray, may laban sa Miss Universe

SA December 17 pa sa Bangkok, Thailand gaganapin ang Miss Universe 2018 pero this early, maingay na ang pangalan ng ating kinatawan na si Catriona Gray.

Magandang balita ito para sa mga beauty pageant aficionados, pasok si Catriona sa Top 10 early favorites (No. 2, in fact). Sa mga kinatawan naman mula sa iba’t ibang kontinente ay kabilang siya sa Top 16 pagdating sa pagrampa.

Bago rito’y sumali na si Cat sa Miss World Philippines.

Mukhang may kalalagyang top spot ang dalaga, pero huwag ding isnabin ang kanyang mga makakalaban mula sa mga bansang Vietnam, Mexico, Brazil, USA, Peru, Panama at iba pa.

Pero batay sa performance so far ni Catriona, malaki ang kanyang tsansang baka siya ang maging ikapat nating Miss Universe after Gloria Diaz, Margarita Moran, at Pia Wurtzbach.

Samantala, tama ba ang pagtutok namin sa video na ang kinatawan ng Spain ay isang transgender? If so, may bago na bang patakaran ang pamunuan ng Miss Universe at tumatanggap na ito ng mga delegadong isinilang na hombre pero sumailalim sa sex change?

Huwag naman sanang mangyari na ang “gay” pa ang kumabog kay Gray!

(RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …