Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, natatameme kay Alice, aminadong crush ang aktres

READ: Daliri ni Liza, nahiwa ng tabak
READ: Ang Babaeng Allergic sa WiFi, passion project ni direk Jun
READ: Joey, priority ang 14 na anak

IBINUKING ni Julia Barretto na nahihiya si Joshua Garcia sa gumaganap na ina niya sa bagong teleseryeng pagbibidahan nila ng dalaga, ang Ngayon at Kailanman, si Alice Dixson na mapapanood na sa Lunes sa ABS-CBN.

Natanong kasi si Joshua kung kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa aktres at nangingiting nasambit ni Julia na nahihiya nga ang aktor.

Kaya pala nahihiya ang aktor ay dahil crush nito si Alice. Nasambit kasi minsan ni Joshua habang kausap si Julia na naroon ang kanyang GF na ang tinutukoy pala ay si Alice.

Nangingiti namang sinabi ni Alice na kaya pala ramdam niya ang pagiging aloof ng aktor at hindi ito masyadong nagsasalita sa taping.

Bale ito ang unang pagkakataon na magtatambal sa telebisyon ang JoshLia na tampok ang walang kupas na kuwento ng kapangyarihan ng pag-ibig.

Ipamamalas nina Joshua at Julia ang kanilang husay sa pag-arte bilang sina Inno at Eva at ipakikita kung ano ang handang gawin ng dalawang taong nagmamahal para rito.

Pagtatagpuin ng tadhana ang mga pusong mula sa magkaibang mundo – si Inno mula sa makapangyarihang pamilya ng mga Cortes, at si Eva naman ay laki sa hirap. Bagama’t hindi magkakasundo sa simula, hindi nila maitatanggi ang mamumuong pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Ngunit tadhana rin ang sisira sa kanila dahil sa misteryong bumabalot sa pagkatao nina Inno at Eva at sa paghadlang ng pamilya ni Inno sa dalaga.

Tampok din sa Ngayon at Kailanman ang pagbabalik-telebisyon ng isa sa mga batikang aktres sa industriya na si Rosemarie Gil bilang si Carmen Cortes, ang matriarch ng pamilya Cortes.

Kabilang din sa programa ang mga tinitingalang artistang sina Rio Locsin, Iza Calzado, Christian Vasquez, Alice Dixon, Ina Raymundo, Dominic Ochoa, at TJ Trinidad. Kasama rin ng JoshLia sa serye ang dalawa sa mga tinitiliang young aktor ngayon, sina Jameson Blake na gaganap na Oliver, kuya ni Inno at karibal sa pagmamahal ni Eva, at si Joao Constancia bilang si Dom, ang kababata ni Eva.

Tumutok gabi-gabi sa Ngayon at Kailanman, sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano simula Agosto 20 (Lunes).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …