Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joey, priority ang 14 na anak

READ: Daliri ni Liza, nahiwa ng tabak
READ: Ang Babaeng Allergic sa WiFi, passion project ni direk Jun
READ: Joshua, natatameme kay Alice, aminadong crush ang aktres

VERY thankful si Joey Marquez kina Mother Lily at Roselle Monteverde dahil pinagsama sila ng kanyang anak na si Winwyn sa  Unli Life, isa sa mga kalahok sa 2nd Pista Ng Pelikulang Pilipino kasama si Vhong Navarro na mapapanood simula August 15 sa mga sinehan nationwide. Idinirehe ito ni Miko Livelo.

Napag-alaman naming 14 ang anak ni Joey mula sa iba’t ibang babae at anim na ang kanyang apo.

Nasabi ng magaling na comedian na gusto niyang magkaroon ng apo sa lahat ng kanyang anak, pero nais muna niyang pagsikapan ng mga ito ang magkaroon ng magandang buhay.

“Dati kasi ako puro puso ako. Nakalimutan ko na mas mataas pala ‘yung ulo sa puso. Eh, kasi, pagkakaalam ko noon, mataas ang puso sa ulo,” natatawang sabi ni Joey.

Ngayon ay may karelasyon siyang stewardess, ”I am with somebody na private na naiintindihan ang sitwasyon ko. Na tinanggap, priority ko ang mga anak ko.”

At ukol naman sa pagiging lapitin niya ng mga babae, sinabi ng aktor na ”Kasi siguro, alam mo… daig ng may humor yung magandang lalaki. At saka may kasabihan tayo, di ba? Sabi nila, ‘It’s not how big it is, it’s how you use it.’ Ang problema sa akin, big na nga, I know how to use pa!”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …